Carlo J Caparas

Direk Carlo pumanaw sa edad 80

I-FLEX
ni Jun Nardo

PUMANAW na ang batikang Comics King, novelist, writer, at director na si Carlo Caparas, Jr. sa edad na 80.

Ang pagpanaw ni direk Carlo ay inihayag ng anak niyang si Peach Caparas sa social media account niya.

Tinagurian din si direk Carlo na Massacre director dahil siya ang director ni Kris Aquino sa pelikulang Vizconde Massacre.

Unang pumanaw ang asawa niyang producer na si Donna Villa.

Nakikiramay kami sa naulila ni direk Carlo.