Saturday , June 22 2024
Rica G Dayo Vivamax 11 Million

Rica Gonzales, masayang maging pantasya ng mga suki ng Vivamax 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

LABIS ang pasasalamat ni Rica Gonzales na napabilang siya sa 11 baguhan at naggagandahang sexy actress na ipinakilala ng Vivamax sa pagdiriwang ng new 

milestone nito sa pagkakaroon ng 11-million subscribers.

“Sobrang happy po and very grateful po na isa po ako sa mga ini-launch as Vivamax new breed po,” matipid na tugon ni Rica.

Actually, apat na milyon agad ang nadagdag na subscribers nila sa loob lamang ng isang taon. Ipinagdiwang din ng Vivamax ang 7M subscribers noong June 2023.

Unang ipinakilala sa publiko ang Vivamax noong January 2021 at ito pa rin ang fastest growing video-on-demand service sa bansa.

Sa ngayon, halos 500 titles na ang mapapanood sa Vivamax. Malapit nang umabot sa 200 ang mga original Vivamax content. Bawat linggo ay may bagong pelikulang ipinalalabas dito. Ito ay patunay na to the max talaga magpaligaya ang Vivamax. 

Maraming nahibang kay Rica Gonzales simula nang lumabas siya sa pelikulang “Hibang”. Hindi lamang ganda ng katawan ang ipinakita niya, kundi ang pagiging versatile na artista sa mga sumunod niyang pelikula. Isa siyang mapanlinlang sa “Dilig”, mapusok na nobya sa “Mapanukso”, sakiting asawa sa “Kapalit”, at sexy dancer na nais magbagong-buhay sa “Dayo”.

Si Rica ay nasa pangangalaga ng talent manager-producer na si Ms. Len Carrillo.

Siya ay 20 years old at 2nd year college sa PATTS College of Aeronautics ng kursong Bachelor of Science in Air Transportation.

Ang kanyang pag-aaral at ang pangarap na maging piloto ay kabilang sa mga isinakripisyo ng dalaga sa kanyang pagsabak sa pag-aartista.

Kailangan niya kasing mag-focus sa mga project na ginagawa niya.

Ipinahayag din ng sexy actress na noong baguhan pa lang talaga siya sa paggawa ng sexy movies, may takot talaga siyang naramdaman.  

Wika ni Rica, “Noong una po, noong bago pa lang ako sa showbiz, takot po talaga ako na may masasabi sa akin ang mga tao. Pero noong matagal na po, noong nararamdaman ko na nakasuporta sa akin ang pamilya ko, iyon po ang pinakanagma-matter sa akin, e.

“So, parang dedma na po ako sa sinasabi ng ibang tao, kasi wala naman po silang ambag sa buhay ko, hahaha!”

Pahabol na esplika niya, “Dedma po ako sa mga tatawag sa akin na hubadera, kasi hindi ko po tinitingnan ang sarili ko na naghuhubad lang ako sa pelikula. Kumbaga, art po siya para sa akin.”

Ano ang mapi-feel niya kapag nalamang pinagpapantasyahan siya ng mga boylet dahil sa napapanood nila sa Vivamax?

“Well honestly po, magiging masaya po ako kung alam ko pong ganoon iyong nafi-feel nila everytime na pinapanood po nila ako. Kasi, at least alam ko pong effective po sa kanila ‘yung acting na ginawa ko po, hahaha!” Nakatawang banat pa ni Rica.

Present ang maraming Vivamax stars sa naturang selebrasyon, kabilang ang mga big boss ng Viva na sina Boss Valerie at Vincent del Rosario. Si Boss Val ang vice president ng content creation and development ng Viva.

Sinabi nina Boss Val at Vincent na pinakamaraming views pa rin sa Vivamax app ang mga project nina Azi Acosta, Angeli Khang, Cristine Bermas, at Yen Durano.

Anyway, bukod kay Rica, ipinakilala rin sa nasabing selebrasyon ng bagong milestone ng Vivamax ang iba pang newbie sexy actress. Kabilang dito sina  Jenn Rosa, Dyessa  Garcia, Christy Imperial, Arah Alonzo, Vern Kaye, Athena Red, Alessandra Cruz, Candy Veloso, Mariane Saint, at Skye Gonzaga.

Walang dudang ang onseng kapanta-pantasya at nagseseksihang kababaihang ito na mapapanood o napapanood na sa Vivamax ay magmamaraka sa maraming barako dahil sa taglay nilang kakaibang hotness.

About Nonie Nicasio

Check Also

Rhen Escano

Karma ni Rhen pang Hollywood-level

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Rhen Escano na sobra siyang nahirapan sa paggawa ng action film, ang …

CC6 Music Fest 2024

CC6 Music Fest 2024 aarangkada kasama ang Rocksteddy at Mayonnaise

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAKIPAG-RAKRAKAN, kantahan, at sayawan sa June29, 2024 kasama ang ilang …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Marian Rivera Balota

Marian intense ang aktingan sa Cinemalaya entry  

RATED Rni Rommel Gonzales SIGURADONG kakaibang Marian Rivera ang mapapanood sa Cinemalaya entry na  Balota. Makikita sa isang BTS photo …