Thursday , June 4 2026
Heart Evangelista Baby Francis FrancisKo

Heart kailangan ng doble ingat para muling mabuntis

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

KASAMA kami sa nagdarasal para kay Heart Evangelista na sa ikaapat na pagkakataon pala ay muling nakunan.

Hindi man kami isang ina o babae mareng Maricris, pero sa dinami-rami na rin ng aming mga kaanak at kaibigan na naranasan ang nangyari kay Heart, ramdam namin talaga ang sakit at pait nito.

Sa kabilang dako, sana rin ay mas maging maingat na si Heart at gumawa na ito ng mga sakripisyo kung talagang ang pagkakaroon ng anak nila ni pareng Chiz Escudero ang plano niya.

Alam naman nating lahat na ginagawa lang halos Divisoria-Cubao ang mga abroad stint ni Heart bilang Pinoy fashion icon, at sure kaming ang pagrampa-rampa niya at pagsusuot ng mga heel ang isa sa mga pisikal na nakaaapekto sa sitwasyon niyang nais na mabuntis, kaya’t napapanahon na marahil na tingnan din ni Heart ang aspetong ito.

More than anything else now, she needs peace and tranquility, lots of energy and a positive vibe and prayers and yes, contemplate on doing sacrifices.

Good luck again Heart. We feel you.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …