Maine nadesmaya sa maiksing buhok
MA at PA
ni Rommel Placente
MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na magpaputol pa rin ng buhok noong nasa ibang bansa siya.
Kwento niya, nais niyang ma-experience ang pagpapagupit sa isang sikat na hair salon sa ibang bansa, pero nang makita niya ang resulta ay aminado siyang pinagsisisihan niya at nadesmaya siya.
“When you are in a foreign country and you make a spontaneous decision to get a haircut at a well-known hair salon for the [sparkle emoji] experience and spontaneity [sparkle emoji] only to regret it later,” caption ni Maine sa kanyang TikTok post.
Aniya, “Post ko pa rin, for the occasional Tiktok content [single tear emoji].”
Sa comment section, maraming netizens naman ang nagsabing bumagay sa kanya ang bagong hairstyle.
“Okay lang bagay pa rin sayo maganda ka parin Maine Cutie [smiling face with hearts emoji]”
“ANG GANDAAA BAGAYYYY [smiling face with heart eyes emojis]”
“It’s actually not that bad, it will quickly grow back…for a minute there I thought you had a pixie haircut.”
Sa X, inihayag din ni Maine ang kanyang pagkadesmaya at may isang fan ang nagsabing, “I like your long hair before @mainedcm…pahabain mo nalang ulit plzzzz…[blushing happy face emoji]”
Ang sagot naman sa kanya ng misis ni Arjo Atayde,“I like my short coz it’s so light (but not this short ha), and tbh i don’t think magpahaba pa ako ever [peace sign emoji].”
