Wednesday , May 1 2024
Beaver Magtalas Maxine Trinidad Mutya Orquia

Beaver puring-puri sina Mutya at Maxine

MA at PA
ni Rommel Placente

SINA Beaver Magtalas, Maxine Trinidad, at Mutya Orquia ang  lead stars ng pelikulang When Magic Hurts mula sa Rems Entertainment Production at idinirehe ni Gabby Ramos.

Ipinaliwanag ni Beaver kung bakit When Magic Hurts ang title ng kanilang pelikula.

After watching the movie, makikita ninyo po talaga sa story, magic is really highlighted. Apart from magic po ng magician, parang love is  a way to describe magic. Parang it’s undescrible feeling, na you can’t explain, pero it’s there, you feel it, but you can’t see it. ‘Yun po it’s related to magic, anyway,” sabi ni Beaver nang makausap namin sa advance screening ng When Magic Hurts.

Sa tanong kung paano siya nakuha sa When Magic Hurts, sagot ni Beaver, “Nagka-work na po kami ni Direk Gabby sa ‘Roommate,’ ‘yung FB series po with Jhassy Busran and Heindrick Sitjar. Ako po ‘yung ka-love triangle nila.

“After that, ayun po kinuha niya ako sa pelikulang ito. So I’m very thankful to direk Gabby for trusting me this project,” sabi pa ng gwapong aktor. 

First time na nakatrabaho ni Beaver ang co-Star Magic niya na sina Mutya at Maxine. At puring-puri niya ang dalawang dalaga.

They’re both very professional and easy to work with.

“We’re very comfortable with each other. We’re all friends,” aniya pa.

Kamusta naman si Direk Gabby bilang kanilang director?

Dito ko po na-witness how passionate si Direk Gabby sa work niya, sa craft niya po.

“Ako po, I’m new in the industry. Si direk Gabby po talagang tinulungan niya po ako. Gina-guide niya po ako sa tamang pag-arte.  So I’m very thankful kay direk Gabby.”

Bukod kina Beaver, Mutya, at Maxine, kasama rin sa pelikula sina Claudine Barretto, Dennis Padilla, Eileen Papin, Angelica Jonesa, Soliman Cruz at marami pang iba.

About Rommel Placente

Check Also

Camille Villar Willie Revillame Manny Villar

Camille nananatiling kaibigan si Willie (lumipat man sa TV5)

I-FLEXni Jun Nardo LAYUNIN ni Congresswoman Camille Villar na makatulong sa film industry pati na rin sa …

Rita Daniela

Rita biniyayaan ng malusog na dibdib magpapabawas kaya?

I-FLEXni Jun Nardo WALANG planong magpabawas ng boobs ang Sparkle artist na si Rita Daniela kahit isa …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Sikat na male star may pa-live show sa hotel, pwede pa ang ‘pasabog’ kung may dagdag

ni Ed de Leon NAGULAT kami nang sunduin ng isang kaibigan noong isang araw at …

Andres Muhlach Atasha Muhlach

Atasha natural na komedyante, Andres malakas ang dating

HATAWANni Ed de Leon NAGIGING natural na comedian si Atasha Muhlach simula nang mapasama sa Eat Bulaga. Marami …

Floy Quintos

Batikang direktor na si Floy Quintos pumanaw na

HATAWANni Ed de Leon NAGULAT din kami nang mabalita noong isang araw na namatay na …