Vilma Santos Ricky Lee Anak CCP UST Ricky Lee

Ate Vi sinipot pa rin screening ng Anak at talkback kahit masama ang pakiramdam

I-FLEX
ni Jun Nardo

MASAMA ang pakiramdam ni Vilma SantosRecto nang dumalo sa event ng CCP Icons para sa screening ng pelikula niyang Anak na ginanap sa auditorium ng UST Blessed  Pier Giorgio Frassati Building sa Manila.

Eh tanging ang National Artist na si Ricky Lee ang nakasama ni Ate Vi sa event dahil wala ang co-stars niyang sina Baron Geisler at Claudine Barretto.

Punompuno ng estudyante ang venue at sabik na nagtanong kay Ate Vi at Ricky sa experiences nila sa movie.

Matapos nito eh hinarap naman ni Ate Vi ang media na invited sa event. Kahit na may dinaramdam eh magiliw pa ring nakipagchikahan si Vilma sa lahat ng dumalo.

Marami pang screenings ng CCP Icons ng movie ni Ate Vi ang kanyang dadaluhan.