Wednesday , May 22 2024
Donny Pangilinan Ina Raymundo

Donny nakapaglabas ng raw emotions habang kaeksena si Ina

MA at PA
ni Rommel Placente

AYON kay Ina Raymundo, naging madali lang para sa kanya na makatrabaho at magka roon sila ng chemistry ni Donny Pangilinan, dahil pareho ang built at height ng aktor sa kanyang anak na si Jakob Poturnak

Sa top-rating series ng ABS-CBN na Can’t Buy Me Love ay gumaganap sina Ina at Donny bilang mag-ina.

It’s so easy to act with him, because he reminds me so much of my only ‘sonshine.’ Pareho sila ng height exactly. Parehong maskulado. So when we hug each other, I close my eyes. I imagine it’s my son, kasi three months ko na siyang hindi nakikita,” sabi ni Ina.

I’m thankful si Donny ang katrabaho ko kasi it was easy for me to show emotion, kasi emotional ‘yung mga scene namin.

“Imagine-in mo,  ‘yung anak mo can’t forgive you, hate ka, ang hirap niyon as a mom. Parang nai-magine ko parang si Jakob na hate ako, it breaks my heart into tiny pieces. So ‘yon ang daling i-channel with Donny,” aniya pa.

Lahat nga ay magagandang salita ang sinasabi ni Ina sa buong cast ng nasabing serye, hindi lang kay Donny. Kaya mami-miss talaga niya ang kakaibang closeness na nabuo sa kanila.

They are such good people and they’re very good actors. I’m a fan of DonBelle kasi they are so young but so experienced in life, and the way they carry themselves. I’m so proud to work with all of them.”

Samantala, ganoon din ang nararamdaman ni Donny sa kanyang onscreen mother. 

It was also a pleasure working with Ms. Ina. First time rin namin na nagka-work. From the moment na sinabi sa akin na siya ‘yung magiging nanay ko sa ‘Can’t Buy Me Love,’ sobra na akong na-excite. Na-feel ko rin ‘yung pagmamahal niya sa mga anak niya, how much of a mother she is.

“And my mom is also a mother of five, and I think that moment, nag-relate talaga kami because of the relationship. Doon lumalabas ‘yung raw emotions.”

About Rommel Placente

Check Also

Blind Gay Couple

Poging male starlet tinablan, tinotoo kising scene kay male star

ni Ed de Leon NATAWA kami sa kuwento ng isang male star na gumawa at sumikat sa …

Vilma Santos Metropolitan Theater

Ate Vi muling pinuno ang MET; SRO sa Bata Bata Paano Ka Ginawa

HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN naming kakaiba ang ngiti ng mga tao sa Metropolitan Theater …

Heart Evangelista Chiz Escudero

Heart super proud kay Chiz habang nanunumpa bilang Senate President

HATAWANni Ed de Leon TAAS noo si Heart Evangelista habang sinasaksihan ang panunumpa ng asawa niyang si Chiz …

nora aunor

Nora Aunor ‘di pwedeng pintasan noon; Kasikatan tuluyan na bang naglaho?

HATAWANni Ed de Leon NATATANDAAN namin taong 1969 nang magsimula kaming magsulat, matindi ang popularidad …

My Bae-Bi Boss Mar Soriano Mommy Dora Vincent Marcelo at June Mavaja

Mommy Dora bilib sa husay magdirehe ni Elsa Droga

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang actor & host na si Mar Soriano aka Mommy Dora sa kanyang bagong proyektong …