Saturday , July 27 2024
Royce Cabrera

Ren nag-babu na, Royce Cabrera ‘sepanx’ sa karakter sa serye

RATED R
ni Rommel Gonzales

MATUTUWA kaya ang viewers ngayong napilayan na ang Crazy 5 sa pagkamatay ni Ren? For sure, malulungkot naman ang fans ni Royce Cabrera dahil sa pagpanaw ng karakter nito sa Makiling

Intense scene ang nasilayan ng viewers matapos lapain ng aso ang karakter ni Royce hanggang sa siya’y mamatay. Icing on top na lamang ito dahil hinangaan na talaga ang Sparkle actor sa umpisa pa lang ng serye. Mula sa pagiging bully na kinaiinisan ng lahat hanggang sa pag-reveal niya ng totoong pagkatao at damdamin kay Oliver (Teejay Marquez), pinalakpakan siya ng viewers maging ng kanyang veteran co-actors. 

Sa interview niya sa 24 Oras, ibinahagi ni Royce na nalulungkot siya sa pagtatapos ng kanyang role sa serye.

Sepanx ako especially sa production at co-actors ko. Mamimiss ko ‘yung bonding na nabuo namin at ‘yung ganda ng istorya na nabuo namin,” sey ni Royce.

For sure, marami ang makaka-miss kay Ren. Pero chill lang dahil tiyak may mas matitindi pang twists and turns sa serye ang dapat abangan. Tutok lang  

About Rommel Gonzales

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …