Tuesday , April 30 2024
Firefly Zig Dulay

Firefly may storybook version na

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAGBABALIK muli ang magical adventure ni Tonton at ang Isla ng mga Alitaptap dahil ang award-winning fantasy film na Firefly, may libro na!

Ayon sa GMA Public Affairs Facebook page, mabibili na ang storybook version ng Firefly sa GMA Store, ShopeeMall, at Lazada for only P399.

Matagal nang inaabangan ang release ng storybook na isinulat ng renowned kids’ storybook writer na si Augie Rivera at illustrated by highly-acclaimed artist na si Aldy Aguirre. Base ito sa pelikulang Firefly na mula sa akda at screenplay ni GMA Public Affairs Assistant Vice President Angeli Atienza.

Umani ng parangal ang pelikulang ito na produced ng GMA Pictures at GMA Public Affairs – kabilang ang Best Picture, Best Screenplay (Anj Atienza), Best Director (Zig Dulay), Best Child Actor (Euwenn Mikael), at Best Supporting Actress (Alessandra De Rossi) awards mula sa first-ever Manila International Film Festival at sa 49th Metro Manila Film Festival.

Exciting news din para sa mga hindi pa nakakapanood o nais panoorin ulit ang adventure ni Tonton dahil ilalabas na ang pelikula sa streaming platform na Amazon Prime this coming April 30. 

About Rommel Gonzales

Check Also

Camille Villar Willie Revillame Manny Villar

Camille nananatiling kaibigan si Willie (lumipat man sa TV5)

I-FLEXni Jun Nardo LAYUNIN ni Congresswoman Camille Villar na makatulong sa film industry pati na rin sa …

Rita Daniela

Rita biniyayaan ng malusog na dibdib magpapabawas kaya?

I-FLEXni Jun Nardo WALANG planong magpabawas ng boobs ang Sparkle artist na si Rita Daniela kahit isa …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Sikat na male star may pa-live show sa hotel, pwede pa ang ‘pasabog’ kung may dagdag

ni Ed de Leon NAGULAT kami nang sunduin ng isang kaibigan noong isang araw at …

Andres Muhlach Atasha Muhlach

Atasha natural na komedyante, Andres malakas ang dating

HATAWANni Ed de Leon NAGIGING natural na comedian si Atasha Muhlach simula nang mapasama sa Eat Bulaga. Marami …

Floy Quintos

Batikang direktor na si Floy Quintos pumanaw na

HATAWANni Ed de Leon NAGULAT din kami nang mabalita noong isang araw na namatay na …