Thursday , June 4 2026
DJ Janna Chu Chu LSFM TAK Team Abot Kamay

DJ Janna at Marisol Academy hosts nakiisa sa 2nd anniversary ng TAK Community

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAGUMPAY ang pagsasagawa ng 2nd anniversary ng Team Abot Kamay Worldwide sa pangunguna ng founder nitong si Mommy Merly Barte Peregrino kamakailan na nagsilbing hosts sina Joey Austria at DJ Janna Chu Chu ng Barangay LSFM 97.1.

Kasabay ng 2nd anniversary ang pagpapakilala ng bagong talent ni Mommy Merly, si Jess Napucao Soriano na isang part-time actor at Tiktokerist. Espesyal na panauhin naman ang mahusay na rapper na si Mike Kosa na ipinarinig ang ilan sa kanyang hit songs.

Nagbigay saya sa lahat ang Singtonado Singing Contest at Tiktok Dance Contest na nilahukan ng mga miyembro ng TAK Community at ng ilang bisita na dalawa sa nagsilbing hurado sina Marisol Academy hosts, Mildred Bacud at Rommel Placente.

Umapaw sa dami ng regalong naiuwi ang Tak Community sa pa-raffle na inihanda ni Mommy Merly at ng kanyang mga sponsor mula sa iba’t ibang bansa.

Ang 2nd Anniversary ng Team Abot Kamay Worldwide ay sinuportahan ng Cy Rus Lights and Sounds,  Princess Hailey Toys, Party Needs & Catering Services atbp..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …