Wednesday , May 22 2024
Andres Muhlach Eat Bulaga

Andres Muhlach bukod tanging ipinantapat ng Eat Bulaga sa santambak na artista ng It’s Showtime

I-FLEX
ni Jun Nardo

UNBOTHERED ang Eat Bulaga sa episode nito last Saturday kahit tinapatan ng sanib puwersa ng GMAat ABS-CBN, huh!

Binigyang-pugay ng EB ang ilang barangay na kabilang sa Barangay Special nilang ginawa. Performers ang mga barangay peeps with matching props at costumes.

Pero magaling talaga ang Bulaga sa pag-assemble ng maraming tao. Maraming tao, maayos ang mga daan at preparadong lahat ng performers na hindi naman talagang celebrities.

Kung sa It’s Showtime, tambak ang mga host at artistang bisita, sa Bulaga, tanging si Andres Muhlachang ipinambala ng EB sa lahat!

Eh sanay na kasi ang EB Dabarkads sa ganitong bakbakan. Wala na silang dapat ikatakot pa dahil at the end of time, mananatili pa rin silang paborito ng manonood tuwimg tanghali.

Sa guesting si Andres sa Peraphy, kilig na kilig si Ryza Mae Dizon. Nakatanggap pa siya ng halik at yakap sa kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

Simula pa lang ng bakbakan ng Bulaga at It’s Showtime at ngayong Lunes, malalaman kung alin pa rin ang mas pipiliin ng manonood sa tanghali.

About Jun Nardo

Check Also

Blind Gay Couple

Poging male starlet tinablan, tinotoo kising scene kay male star

ni Ed de Leon NATAWA kami sa kuwento ng isang male star na gumawa at sumikat sa …

Vilma Santos Metropolitan Theater

Ate Vi muling pinuno ang MET; SRO sa Bata Bata Paano Ka Ginawa

HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN naming kakaiba ang ngiti ng mga tao sa Metropolitan Theater …

Heart Evangelista Chiz Escudero

Heart super proud kay Chiz habang nanunumpa bilang Senate President

HATAWANni Ed de Leon TAAS noo si Heart Evangelista habang sinasaksihan ang panunumpa ng asawa niyang si Chiz …

nora aunor

Nora Aunor ‘di pwedeng pintasan noon; Kasikatan tuluyan na bang naglaho?

HATAWANni Ed de Leon NATATANDAAN namin taong 1969 nang magsimula kaming magsulat, matindi ang popularidad …

My Bae-Bi Boss Mar Soriano Mommy Dora Vincent Marcelo at June Mavaja

Mommy Dora bilib sa husay magdirehe ni Elsa Droga

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang actor & host na si Mar Soriano aka Mommy Dora sa kanyang bagong proyektong …