Tuesday , April 16 2024
Ivana Alawi prank

Ivana muling namudmod ng pera

KAPURI-PURI na naman ang ginawang pamamahagi ng blessings ng Kapamilya actress na si Ivana Alawi kamakailan.

Nagpanggap kasing tindera ng sampaguita si Ivana malapit sa simbahan ng Antipolo. Roo’y sinusuklian niya ng mas malaking halaga ang sinumang nagbigay sa kanya ng pera.

Sa vlog ni Ivana, ipinakita nito ang pagtitinda ng sampaguita na sa tuwing may nag-aabot sa kanya ng pera ginagawa niyang  x1000 pabalik. 

“Sobrang meaningful at sobrang special ng church na ito sa akin kasi noong bata ako, nag-alay lakad kaming dalawa ng ate ko from Sta. Mesa all the way to Antipolo,” paliwanag ni Ivana kung bakit doon niya napiling mamigay ng pera. 

Tinupad aniya ng Panginoon ang hiling niya noon kahit na pakiramdam niya ay imposible.

“Sobrang imposible ng wish ko. Kahit ako parang sabi ko parang imposible namang mangyari ito pero kung mangangarap na lang ako, taasan ko na,” sabi pa ng aktres.

Anim ang masuwerteng nabigyan niya ng pera. Tatlo ay nagtitinda, isang enforcer, at dalawang tricycle driver.

At lahat ay nagpapasalamat kay Ivana sa sorpresang handog ng aktres sa kanila.  

About hataw tabloid

Check Also

Donny Pangilinan Ina Raymundo

Donny nakapaglabas ng raw emotions habang kaeksena si Ina

MA at PAni Rommel Placente AYON kay Ina Raymundo, naging madali lang para sa kanya na …

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

Serye ni Jo Berry hataw sa ratings

COOL JOE!ni Joe Barrameda BIHIRA man nating mapanood si Jo Berry ay maganda naman ang ibinibigay sa …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …