Sunday , April 21 2024
Sofi Fermazi

Sofi Fermazi pinaplano na ang digital single, may new endorsement

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SISofi Fermazi ay isa sa talented ng artists mula Glem Artists Management at ng Net25 StarKada. Sa ngayon ay patuloy ang magasdang takbo ng kanyang showbiz career.

Ipinahayag ng singer, actress, host ang kanyang reaction dahil marami siyang pinagkaka-abalahang projects ngayon.

Sambit niya, “Definitely grateful and happy. There are times na hindi na po ako nakakatulog, but I count that as a win kasi it means na I’m getting busier, and it is just the beginning dahil madami pa po akong matututunan in the future.”

Dagdag pa ni Sofi, “Super-happy po ako sa nangyayari sa showbiz career ko. There were a lot of opportunities that opened up for me as I got into NET25 Starkada as one of their artists, I can’t have it any other way.

“Sobrang grateful ko rin po sa mga nami-meet kong people along the way including my co-artists, my manager, NET25 handlers and road managers, the staff/crew, and also the writers who publish my articles.”

Ano ang show niya ngayon?

Tugon ni Sofi, “As of now, I am a part of one show called “Road to Starkada” including my fellow Starkadas. This show tackles all the journeys, specifically the workshops and past trainings we’ve been through. It airs from Monday-Friday every week at 5:30-6:00PM.

“Future shows are to be announced pa po.”

May digital recording or digital single na ba siyang ginawa?

“As of now, I’m still working on it. Most likely by this year po may mare-release na po ako,” nakangiting pahayag pa ni Sofi.  

Saan ba siya mas enjoy, as a singer, actress, o host?

“If I could pick everything, then I would say that I enjoy being an all-rounder artist. Picking po for me is hard because of the efforts I know I made to be the best version of myself in these categories, even if there is still so much for me to learn.

“But if I’m only able to pick one right now, it would be hosting since I didn’t think that it would be more fun than what I thought it would be. There are a lot of technicalities, pero ang maganda rin po talaga sa hosting is how you eventually learn how to make guests feel comfortable and nai-improve nito ang social skills ko when it comes to talking with people.

“It’s been the same with singing as well, but I am open to exploring different fields which is why I have picked hosting right now,” mahabang tugon niya.

Nakita rin namin sa FB ng mother ni Sofi na si Kristi Fermazi na may new endorsement siya, ito ang Ever Organics. Kaya talagang humahataw ang career ng magandang na dalagitang ito.

Ayon pa kay Sofi, ngayong 2024 ay wish niyang magkaroon pa ng maraming projects.

“I wish for more projects and good health. Ngayon po, inuugali ko na pong mag-take ng mga vitamins and kumain nang maayos dahil I want to be at my best whenever I have projects to do,” masayang esplika pa ni Sofi.

Incidentally, after ng matagumpay na mall show nila Sofi at ng Starkada na Road To Starkada Mall Tour sa Fisher Mall Quezon Avenue last February 25, susunod na mapapanood naman ang grupo ng mga bagets na ito sa Sta Lucia Mall, Cainta, this coming March 9, 2024 sa ganap na 3pm. Ang special guest nila rito ay si Ara Mina.

Ang mga kabataang ito na bumubuo sa Starkada ay bahagi ng Star Center Artist Management ng NET25, headed by Eric Quizon.

About Nonie Nicasio

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Marco Gallo Heaven Peralejo Marven

MarVen nagsabog ng sweetness sa mediaconmmute 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NILANGGAM tiyak ang bus na sinakyan namin noong Miyerkoles ng …

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Mutya at Beaver may chemistry sa big screen

ni Allan Sancon HALOS mapuno ang SM The Block Cinema 3 sa dami ng mga …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …