Saturday , July 27 2024
Gelli De Belen Patricia Tumulak Sherilyn Reyes-Tan Manoy Wilbert Lee
Gelli De Belen Patricia Tumulak Sherilyn Reyes-Tan Manoy Wilbert Lee

Gelli, Patricia, Sherilyn, at Manoy Wilbert magbibigay inspirasyon sa kanilang show

ni Allan Sancon

MAGSASAMA-SAMA sina Gelli De Belen, Patricia Tumulak, Sherilyn Reyes-Tan, at ang dating businessman na ngayon ay isa ng public servant at Agri-Partylist Representative, Manoy Wilbert Lee,  sa isang public service show, Si Manoy Ang Ninong Ko,na mapapanood ngayong Linggo  March 3, 2024, 7:00 a.m..

Tampok sa show ang mga tunay na kuwento ng ating mga kababayan na siyang magbibigay inspirasyon sa mga manonood para lalong magsumikap at hindi mawalan ng pag-asa sa buhay.

Ano mang problema ang ating kinakaharap ay tiyak  na malalagpasan sa tulong ng ating komunidad at mga kapwa Filipino na handang tumulong sa kaibuturan ng kanilang puso,” pahayag ni Manoy Wilbert.

Lubha talagang matulungin itong si Manoy Wilbert kahit hindi pa man public servant, kaya naisip niya ang programang ito para mas marami ang kanyang matulungan.

Magiging co-host ni Manoy Wilbert si Gelli kasama ang ilang eksperto para magbigay solusyon sa mga problemang itatampok nila sa kanilang show. 

Kuwento ni Gelli, “’Yung tulong na kailangan nila ay hindi lang usual na pera o pagkain dahil mas kailangan nila ang pang-matagalang hanapbuhay at  may ipakain sa kanilang pamilya araw-araw.”

Magpupunta naman sina Sherilyn at Patricia sa iba’t ibang parte ng Pilipinas para hanapin kung sino ang mas nangangailangan ng tulong ng programa. Iinterbyuhin nila ang bawat Filipino na may pangangailangan.

Minsan nga ay nagiging emosyonal na ako sa kuwento nila tungkol sa mga problemang kanilang hinaharap,” pagbabahagi ni Patricia.

May pagkakataon na nakare-relate ako sa istorya nila dahil katiting lang pala ng problema nila ang problemang na-experienced ko before,” kwento naman ni Sherilyn.

Paniguradong magbibigay inspirasyon ang public service program na ito sa mga manonood dahil sa kakaibang mga istoryang kanilang itatampok. Magsisimulang ipalabas ngayong Linggo sa GMA.

About Allan Sancon

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …