Friday , July 26 2024
Elle Villanueva

Ganti ni Elle matitikman na

RATED R
ni Rommel Gonzales

KUNG nawindang ang Crazy 5 sa pagbabalik ni Amira (Elle Villanueva), the feeling is mutual para sa viewers dahil nabubulabog din sila sa surprising at gripping scenes sa revenge drama series ng GMA Public Affairs na Makiling.

‘Ika nga ng taumbayan, bumabaliktad na ang mundo dahil nag-uumpisa nang gumanti at maningil ang dating naaaping bida. Maraming viewers ang talaga namang tuwang-tuwa sa “character development” ni Amira at umaasang matututo na ng leksiyon ang mga mapang-aping sina Seb (Kristoffer Martin), Portia (Myrtle Sarrosa), Ren (Royce Cabrera), Oliver (Teejay Marquez), at Maxine (Claire Castro).

Sey nga ng isang netizen, “‘Yan ang gusto ko sa ‘yo Amira, ‘yung palaban ka!”

Komento naman ng isa, “Ito ‘yung klase ng palabas na magandang panoorin dahil hindi palaging naaapi ang bida.”

Sorry now, ganti later! Matitikman na ang paghihiganti ni Amira sa pambansang revenge drama ng Filipino.

About Rommel Gonzales

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …