Sunday , April 14 2024
David Pomeranz When Magic Hurts

David Pomeranz ipinagkatiwala kantang Got to Believe in Magic sa pelikulang When Magic Hurts

I-FLEX
ni Jun Nardo

PUMAYAG ang foreign singer na si David Pomeranz na gamitin ang kanta niyang Got To Believe in Magic sa idinireheng ovie ni Gabby Ramos na When Magic Hurts.

Inanunsiyo ito ni direk Ramos sa mediacon ng movie na pinagbibidahan nina Beaver Martalas, Mutya Orquia, at Maxine Trinidad mula sa REMS Productions.

Either sa South Korean or Japan sana nakatakda itong i-shoot para makisabay sa nauuso noon na Korean o Japanese movies.

Pero nang may magrekomenda na sa Atok, Benguet sila mag-shoot, natuklasan ng production ang isang paraiso na hindi pa masyadong nadidiskubre.

Makikita sa When Magic Hurts ang ganda ng Atok, Benguet sa isang kuwento ng pagmamahalan.

Nang matanong si Beaver kung kanino siya mapupunta sa dalawang leading ladies, bitin niyang sagot, “Panoorin po ninyo dahil sorpresa ito ng movie.”

May mga movie nang nagawa si Beaver pero sa When Magic Hurts, mas malaki ang exposure niya’t puno ng challenges ang ginampanang character.

About Jun Nardo

Check Also

Sunshine Dizon Sunny

Sunshine napangatawanan pagiging retokada, Candy agaw-eksena sa Sunny

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ALIW na aliw kami sa bagong handog na pelikula ng Viva …

Klinton Start

Klinton Start, magiging active ulit sa showbiz pag-graduate ng kolehiyo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA KANYANG pag-aaral muna sa kolehiyo ang naging focus ngayon …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Kilalang direktor nag-resign dahil sa sobrang ‘komesiyal’ ng production

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAANO kaya ka-true ang tsismis na umano’y nag-resign ang isang kilalang direktor sa …

MarVen KrisshRome HyGab Marco Gallo-Heaven Peralejo, Krissha Viaje Jerome Ponce  Hyacinth Callado Gab Lagman

3 loveteam ng VAA pantapat sa mga kilalang tandem

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UY, may tatlong love teams ang Viva Artists Agency na ipanlalaban sa mga …

Sparkle artists

Sparkle artists magkakaroon pa ng shows sa LA at Japan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI pang shows abroad this year ang aabangan sa Sparkle artists …