Caleb Santos Jose Mari Chan Hazel Faith

Caleb Santos excited makasama si Jose Mari Chan

MATABIL
ni John Fontanilla

EXCITED ang singer, actor na si Caleb Santos na makasama sa konsiyerto ang mahusay na singer & composer at isa sa maituturing na icon sa local music industry na si Jose Mari Chan.

Bata pa si Caleb hanggang sa kanyang paglaki ay pinakikinggan na niya  ang mga awitin ni Jose Mari.

Magkakasama sina Caleb at Jose Mari sa Kilig Pa More concert ni Hazel Faith sa Music Museum sa Feb. 29.

Ilan pa sa makakasama nina Faith, Caleb, at Jose Mari sa concert sina Abe, Tiara Shaye, Geca Morales, Hong Ganda,  Zela, Steph Martell, Pixie,  Mikko Music, Haliya at Avon Rosales.

Ang Kilig Pa More Concert ni  Hazel Faith ay hatid ng True Creators Studi at ng ML.