Thursday , June 25 2026
Richard Gomez Andea Brillantes

Richard G makipagtrabaho at makahalikan si Andrea

MA at PA
ni Rommel Placente

SA isang interview ni Cong Richard Gomez, sinabi niya na nami-miss niya na ang gumawa ng pelikula. Mayor pa ng Ormoc City ang actor-politician nang gawin niya ang pelikulang Three Words To Forever (2018) na reunion movie nila ni Sharon Cuneta.

Ngayon ay congressman na siya at ang trabaho niya sa House of Representatives ay mula Lunes hanggang Miyerkoles. At hindi pa nasusundan ang pelikulang ginawa nila ng dating girlfriend.

Nami-miss ko nga, eh,” sabi ni Richard.

Drama ba ang gusto niyang gawin?

Ang natatawang sagot ni Congressman Richard, “Drama. Siyempre, love story, ‘di ba? Sayang naman ang kaguwapuhan natin. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Sino naman ang leading lady niya, if ever?

Wala pa, wala pa.”

Okey lang ba sa kanya na young actress ang katambal niya?

Oo naman,” mabilis na tugon ni Richard.

Thirty-three years old lang ako,” aniya pa na nagbibiro dahil sa darating na Abril ay 58 na siya.

Okey lang sa kanya na ang love interest ay kaedad ng 23-year-old daughter niyang si Juliana?

Oo naman. Oo, kaya. May-December affair, ganoon ba?”

May nagsabi na pwede silang pagtambalin ni Andea Brillantes.

Kahit sino, puwede.”

Willing ba siyang makipag-kissing scene kay Andrea?

Kung willing sila, ‘di ba? Who am I to say no?”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …