Friday , December 6 2024
Breakthrough Health & Beauty Coffee ng Frontrow

Breakthrough Health & Beauty Coffee ng Frontrow, nagkaroon ng launching sa MOA Arena

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SINASABING coffee is life! Siyempre, ang buhay ay mas maganda kapag ang iyong kape ay ginagawa kang mas healthy, more beautiful, at umaayon sa fit lifestyle sa araw-araw.

Isang answered prayer sa lahat ng coffee lovers, pati na rin sa mga health at beauty buffs, ang Luxxe White Coffee ay opisyal nang na-launch noong Nov. 6, 2023 sa Mall of Asia Arena sa isang momentous na unveiling, hosted ng multi-talented actor at performer na si Billy Crawford.

Ang Luxxe White Coffee ay may maipagmamalaking unique infusion ng premium Japan collagen para sa improved skin elasticity. Japan Glutathione para sa detoxifiication at skin brightening, Garcinia Cambogia para makatulong sa pagbawas ng fat production at appetite, at ng blend ng L-Carnitine. Barley Spirulina, Grape Seed, Mangosteen para sa pangkalahatang benepisyong pangkalusugan.

Bukod sa benepisyong pangkalusugan, ang Luxxe White Coffee ay  nagbibigay ng guilt free indulgence sa taglay nitong rich-butterscotch flavor, na pinatamis ng Stevia. “This will be the easiest way for you to take care of yourself while enjoying your coffee everyday,” pahayag ng Frontrow CEO na si Sam Versoza sa grand product launch nito.

Ang palulunsad sa MOA Arena ay hindi lang nagpakilala sa White Luxxe Coffee, ngunit pagdiriwang din ng achievements ng nangungunang Frontrow distributors. Kasama sa pagdiriwang ang pagkilala sa 137 bagong milyonaryo, bagong 80 car owners, at 59 bagong property owners. Ang dual celebration na ito na kilala bilang Frontrow Intensified, ay nagbigay pugay sa distributors na nakakuha ng significant milestones sa pamamagitan ng kilalang Frontrow Beauty soaps, Skincare line, at acclaimed health supplements tulad ng Luxxe White Enhanced Glutathione, Luxxe Slim L- Carnitine & Green tea extract, Luxxe Protect Pure Grapeseed extract,  Luxxe Renew & Berry extract, at Luxxe ImmunPlus.

Sa extra-ordinary na epekto ng pinagsamang Frontrow Luxxe supplements, ang mga distributors ay enthusiastic sa pagpapakilala sa kagandahan ng Luxxe White Coffee sa mas malaking consumer base.

“Ito na ang panahon para gawin nating ginto ang ating mga pangarap,” pahayag ng presidente ng kompanya na si RS Francisco sa kanyang intro. “With its remarkable benefits and the ability to keep you active throughout the day, Luxxe White Coffee is poised to bring you closer to your dreams by nurturing a healthier and more beautiful you,” aniya pa.

Para sa kargdagang impormasyon sa abot-kamay na presyong Luxxe White Coffee, connect with an authorized Frontrow distributor.

About Nonie Nicasio

Check Also

JR Cool Kidz Big Winner sa Dance 10 Dance 10 (Dance Contest)

JR Cool Kidz Big Winner sa Dance 10

MATABILni John Fontanilla DINUMOG ang grand finals ng Dance 10 (Dance Contest) na ginanap noong November 30, …

Geneva Cruz

Geneva Cruz naglinis sa Mindanao

MATABILni John Fontanilla DUMAYO ng Mindanao si Geneva Cruz na isang reservist para makibahagi sa  clean-up drive …

Sentidrama Padayon Blvck Music Louie Cristobal Grace Cristobal

Sentidrama at Padayon inilunsad ng Blvck Music

IPINAKILALA ng Blvck Entertainment Production, Inc. at Blvck Music ang dalawang bagong OPM bands na tiyak na tatatak sa …

MMFF 2024

GMA naka-block pagpo-promote ng ibang MMFF entries

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HOW true na hindi pinapayagan ng GMA Network na makapag-promote sa kanilang …

Vilma Santos UST

Vilma sa mga proyekto sa Batangas — hindi ‘yan galing sa bulsa ko, pera ninyo iyan, ibinabalik ko lang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SI Vilma Santos lang yata ang naringgan naming politiko na nagsabing, “Hindi …