Friday , May 17 2024
Jhassy Busran Unspoken Letters

Jhassy Busran, nagpakita nang husay sa pelikulang Unspoken Letters

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAKAKABILIB ang performance na ipinakita ng talented na teen actress na si Jhassy Busran sa pelikulang Unspoken Letters, base sa teaser ng kanilang pelikula.

Gumaganap dito si Jhassy bilang si Felipa, bunso sa kanilang pamilya na may medical condition na tinatawag na Autism Spectrum Disorder (ASD). Sa pelikula, isang 17 year old na dalagita si Jhassy na nagfa-function o may katumbas ng 7 year old na pag-iisip.

Sa teaser ng kanilang pelikula ay nagpakita nang kakaibang husay si Jhassy. Maraming magagandang eksena na nagpamalas ng galing sa acting ang dalagita, pero isa sa talagang nagustuhan namin ay ang eksena nila ni Gladys Reyes na sinampal at dinunggol-dunggol sa mukha ni Gladys si Jhassy.

Kumabaga, ipinakita rito ni Jhassy na kaya niyang sumabay sa veteran at mahusay na aktres na tulad ni Gladys.

Nabanggit ni Jhassy na naniniwala siyang isa sa bentahe ng kanilang pelikula ay ang pagiging family oriented nito at ang aral na mapupulot ng moviegoers dito.

Aniya, “Sinasabi po namin na it is a family oriented drama movie, so parang iyon po ang isa sa tingin ko na magiging bentahe niya sa manonood.

“Hindi po kasi siya istorya ng basta si Felipa lang, istorya po ito ng buong pamilya po.”

“So, kung ako po ang manonood, ang parang ano po niya… gusto ko siyang mapanood kasi hindi siya basta po kuwento lang, mayroong meaning ang kuwento na iyon.  

“Mayroon kang matutununa when it comes to handling a special child,  mayroon kang matutunan sa pamilya mo, kung paano ka makisama sa pamilya mo…. Paano kung mayroon kayong hidwaan ng pamilya mo? Doon po, it talks about it dito sa movie na ito. Kaya iyon po ang isa sa dahilan kung bakit dapat nilang mapanood itong Unspoken Letters,” mahabang esplika pa ni Jhassy.

Sobrang challenging ang role niya rito, nabanggit din niya kung paano itro pinaghandaan.

Pahayag niya, “Siyempre po we do our own research din po, kasi sinasabi po ng mga direktor na, ‘You have to do your own research, kung paano mo siya ipo-portray nang mas maayos. Kung paano mo siya ipo-portray na wala kang nao-offend, lalo na iyong nasa community na ganoon.’

“So, it is very challenging po talaga.”

Pahabol pa ni Jhassy, “I’m very thankful din po sa acting coach ko, kay Ate Lotlot Bustamante for this project. Tinulungan niya ako nang sobra-sobra, marami po siyang naitulong talaga sa akin. Siya po ang isa sa nag-workshop sa akin para magawa ko iyong role ko rito as natural as possible.”

Bukod kina Jhassy at Gladys, tampok din sa pelikula sina Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Matet de Leon, Simon Ibarra, Orlando Sol, Daria Ramirez, Deborah Sun, MJ Manuel, at marami pang iba

Ang Unspoken Letters ay mula sa produksiyon ng Utmost Creatives Motion Pictures, sa panulat at direksiyon ni Gat Alaman.

Kaabang-abang ang pelikulang ito na na showing na sa mga sinehan sa December 13.

Bukod sa Unspoken Letters, si Jhassy ay napanood sa Genius Teens- Chapter 1 and 2, Caught In The Act, at sa pelikulang Home I Found In You.

Si Jhassy ay nanalong Jury Award Best of the Best Performance by an actress sa Manhattan Film Festival New York 2021 for the award-winning short film Pugon. Siya ay naging Best Child Actress din sa  Gully International Film Festival 2021 sa India: Best Child Actress sa Ashoka international Film Festival 2021, at ang Outstanding Lead Actress in a Movie sa World Class Excellence Japan Awards (WCEJA) S

Siya ay na-nominate rin as New Actress for Movie sa 38th PMPC Star Awards for Movies. Si Jhaasy ay pinarangalan din kamakailan sa America Excellence Awards Hollywood 2023 as a Multi-Awarded New Female Movie Actress.

About Nonie Nicasio

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Inday Fatima Ana Ramsey Queenay

Inday Fatima, Ana Ramsey, Queenay mga bagong host ni Willie sa TV5

I-FLEXni Jun Nardo IPINAKILALA na ang tatlong female co-hosts ni Willie Revillame sa bago niyang game show …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …