Friday , July 26 2024
Micaela Jasmine The Water Beast Mojdeh Heather White

Mojdeh at White ratsada sa national tryouts

KARANASAN ang nangingibabaw habang ang mga pamilyar na mukha ay nagwagi sa pagsisimula ng Philippine Aquatics-organized National tryouts NCR leg noong Biyernes sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila

Ang Filipino-British na nakabase sa Vietnam na sina Heather White at Micaela Jasmine ‘The Water Beast’ Mojdeh, na parehong two-time World Junior Championship campaigners, ay nanguna sa top tier junior swimmers habang naghahari sila sa kani-kanilang mga klase upang makuha ang ‘provisionary’ status para sa 44 -man Philippine Team na nakatakdang lumaban sa 11th Asian Age Group Championships na nakatakdang Disyembre 3-6 sa New Clark Aquatics Center sa Capas, Tarlac.

Ang 16-anyos na si White, na lumalangoy sa ilalim ng Behrouz Elite Team, ay nanguna sa girls 15-17 400m freestyle sa isang dominating fashioned, na nagtala ng 4:35.57, halos apat na segundo sa unahan ng second placer na si Fei Dolliente ng San Beda (4:48.92) , habang ang 17-anyos na si Mojdeh, isang national junior record holder at semifinalist noong 2022 World tilt, ay nakakuha ng kanyang pwesto para sa isa pang call of duty sa National Team na nanalo sa 200m Individual Medley sa oras na 2:25.37. Si Promising Kacie Tiongco, 14, mula sa Mindanao, ay pumangalawa (2:32.00).

“I’m very happy sa performance ko. Kararating ko lang noong isang araw kaya wala nang pagkakataong magpraktis pa. Ang swerte lang ay nagkaroon ng pagkakataong magsanay sa ibang bansa bago ang aming stint sa World Junior meet noong nakaraang buwan,” sabi ni White, na kasama si Mojdeh, ay nagsanay ng ilang buwan sa US bago ang World Junior Championship sa Israel.

“Actually po, mas magaan ang loob ko pag local tournaments dahil masaya akong nakikita yung mga teammates ko at mga kapwa ko swimmers. Sa US talagang training hard kami halos tatlong beses sa isang araw,” added Mojdeh, who set to return to US to continue her training and pursued a college degree.

Bukod sa dalawang kilalang junior tanker, ipinadama rin ang kanilang presensya ay ang SEA Games gold medalist na si Chloe Isleta na umangkin sa girls 18-over 200 M freetsyle sa 2:04.57 at ang 200mIM (2:17.62), SEA Age group veteran na si Jamesray Ajido sa ang boys 12-14 200m freestyle (2:01.21), Miguel Barreto sa biys 18-over 200m free (1:53.11) at 200m IM (2:13.24); Arabella Taguinota sa girls 15-17 100m breastroke (1:13.40) at Chantelle Coleman sa girls 12-14 100m breast (1:19.82).

“Masaya kami at talagang united ang swimming community, yung mga swoimmers natin sa abroad talagang nag-uwian para makiisa sa ating tryouts. Ang purpose kasi natin dito ay makuha ang pinakamahuhusay, hindi yung dahil may pambayad isasama na natin sa team, hindi tama yun kaya talagang bnago ng bagong liderato nina president Miko Vargas and Cong. Eric Buhain,” ani tournament director Chito Rivera.

Ang nangungunang dalawang manlalangoy sa bawat kaganapan o ang may pinakamalapit na World Aquatics na 700 puntos pagkatapos ng dalawang pambansang tryout ay ikokonsidera sa koponan ng Pilipinas. (HATAW Sports)

NANGIBABAW sina Micaela Jasmine Mojdeh (kaliwa) at Heather White  sa pagsisimula ng Philippine Aquatics-organized National tryouts NCR leg noong Biyernes sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila. (HENRY TALAN VARGAS)

About Henry Vargas

Check Also

Jean Richeane Dela Cruz Rhiana Kaydee Nialla

Dela Cruz, Nialla ratsada sa Speedo Novice and Sprint tourney

NASUNGKIT ng baguhang manlalangoy na sina Jean Richeane Dela Cruz at Rhiana Kaydee Nialla ang …

2024 V-League Collegiate Challenge

Elite collegiate team sa V-League Collegiate Challenge magsasagupaan

AAKITIN ng 2024 V-League Collegiate Challenge ang mahihilig sa volleyball sa isang linggong pagpapakita ng …

Daniel Maravilla Quizon PCAP Chess

Quizon naghari sa PCAP chess tournament

PINATIBAY ni Grandmaster elect at International Master Daniel Maravilla Quizon ang kanyang posisyon bilang isa …

Eric Buhain Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

INIHAYAG ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pakikipagtulungan ng Speedo Philippines ang pagdaraos ng 2024 …

National University NU Lady Bulldogs SSL National Invitationals

NU Kampeon sa SSL National Invitationals

IGINAWAD nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at Vicente Gregorio President/CEO ng Shakey’s …