Friday , May 23 2025
Princess Estanislao

Miss Teen Model Internacional 2nd Runner-Up Princess Estanislao sasabak sa showbiz

NAKUHAng representante ng Pilipinas na si Princess Jasmine Estanislao, fashion model at FEU Tourism student ang Second Runner-Up title sa katatapos na 

Miss Teen Model Internacional na isinagawa sa Lima, Peru.

Si Miss Venezuela ang itinanghal na grand winner samantalang si Miss Bolivia ang First Runner-Up.

Ayon kay Princess hindi niya inaasahang masusungkit ang second place dahil puro magagaling ang mga kalaban at mga Latina pa. Siya lang din ang hindi nagsasalita o fluent sa Spanish bagamat naghanda siya bago pumunta ng Peru. 

Aniya, ibinigay niya ang best niya dahil gusto niyang mailaban ang Pilipinas. 

At ngayong tapos na ang ilang buwang training at preparation ni Princess para sa naturanf kompetisyon,  sasabak naman siya sa ibang laban, ang pag-aartista. Aminado siyang childhood dream niya talaga ang mag-showbiz at bago pa siya nag-compete sa Peru ay nag-undergo na siya ng acting workshop courtesy of Miss Teen International Philippines Organization (MTIP Org) na siyang nagpadala sa kanya sa kompetisyob. 

Ilang beses nang lumabas sa Tadhana ng GMA7 si Princess kaya kahit paano ay pamilyar na siya sa mga dapat gawin kapag may shooting. 

Grateful po ako sa chance na ibinigay sa akin ng MTIP org na tulungan akong maabot ang childhood dream ko. At sobrang thankful po ako ‘Tadhana’ kasi nabigyan ako ng opportunity na lumabas sa show,” ani Princess.

Sa ngayon, isa si Princess sa mga endorsersng beauty brand na ALTA. May ilang acting projects ding naka-line up pra sa kanya kaya naman pinaghahandaan niya ito.  At kung walang klase ay nanonood siya ng mga pelikulang dapat niyang panoorin at nagwo-work-out. May naka-schedule rin siyang acting workshop kaya excited siya for what lies ahead. 

Magkaiba man ang pageant at ang showbiz pero pareho niya itong love kaya ready siyang gawin ang best niya para magtagumpay. 

About hataw tabloid

Check Also

Nadine Lustre Leila de Lima

Nadine kinampihan ni Leila de Lima 

I-FLEXni Jun Nardo NAKAHANAP ng kakampi ang aktres na si Nadine Lustre kay ML Party List representative na si Leila …

Jen Boles Tres Chic Luxury Original

Tres Chic ni Doc Jen Boles nagbibigay trabaho sa mga artista

NAPAKA-POSITIBO ng outlook sa buhay ng aktres, businesswoman na si Doc. Jhen Boles ang CEO & Presidente ng Tres …

Nadine Lustre

Nadine nagsampa ng reklamo sa mga abusadong social media users

NAGSAMPA ng reklamo si Nadine Lustre kaugnay sa Safe Space Act dahil sa natatanggap niyang malisyosong mensahe …

Moulin Rouge The Musicale

Moulin Rouge: The Musicale pasabog sa Rampa grand reopening

MULI na namang ile-level-up ng Rampa Drag Club ang landscape ng LGBTQ+ nightlife ng bansa sa opisyal …

Kathryn Bernardo Zion Massage Chair Zion Soothing Haven Inc

Kathryn natagpuan na ang kanyang  ‘The One’

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAHANAP na ng Asia’s Superstar at Box Office Queen, Kathryn Bernardo ang kanyang …