Sunday , May 25 2025
Vice Ganda Ion Perez

Vice Ganda,  Ion Perez sinampahan ng kasong kriminal sa ‘pagsubo ng icing’

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SINAMPAHAN ng kasong kriminal sina Vice Ganda at Ion Perez ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) kaugnay ng umano’y “indecent acts” na ginawa nila sa It’s Showtime.

Sa official statement na ipinadala ng KSMBPI sa Hataw inilahad nila ang ukol sa pagsasampa ng kaso laban kina Vice at Ion.

Ito ay ukol sa pagsubo ng icing nina Ion at Vice gamit ang daliri sa “Isip Bata” segment ng kanilang show na ipinalabas noong July 25.

Sa pangunguna ni Atty. Leo Olarte, nagtungo ang KSBMBPI sa Quezon City Prosecutor’s Office noong Lunes, September 11, para pormal na magsampa ng reklamo laban sa dalawang host ng It’s Showtime.

Anang sa KSMBPI, kasong paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code—na may kinalaman sa Section 6 ng Article 201 at sa Republic Act No.10175, o Cybercrime Prevention Act of 2012, ang isinampa nila laban sa dalawa.

Bago ito’y sinuportahan nila ang ginawang aksiyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), suspension ng 12arawkasabay ang pakikipagpulong kay Chairperson Lala Sotto

Inihayag nila na handa silang makipagtulungan sa MTRCB para mapigilan at maiwasan ang mga immoral content sa noontime show.

Ibinahagi pa nila ang isang picture kasama nila si Chair Lala at  may caption na, “Signing of the Memorandum of Agreement between SPIN MEDIA and the Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. at the National Office of MTRCB last August 24, 2023 followed by a special meeting with MTRCB Chairperson Lala Sotto discussing the proliferation of immoral contents in some of the noontime TV shows and how we can support MTRCB in raising the public awareness and action to address moral decay in the entertainment industry. SPIN MEDIA now is an official affiliate of KSMBPI.”

Iginiit din ng KSMBPI na independent private advocacy organization sila. Hindi rin sila inimpluwensiyahan ng MTRCB para magdemanda.

Bukas ang Hataw sa pahayag na ibabahagi nina Vice at Ion gayundin ng ABS-CBN at buong production ng It’s Showtime.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andre Yllana Jomari Yllana

Andre ‘di kailangang magpaalam kay Jom sakaling magpapa-sexy

RATED Rni Rommel Gonzales SINO ba naman ang makalilimot sa mga hubad na larawan noon …

As The Moth Flies big winner sa FAMAS Short Filmfest

As The Moth Flies big winner sa FAMAS Short Filmfest

RATED Rni Rommel Gonzales SUCCESSFUL ang kauna-unahang FAMAS Short Film Festival kamakailan sa Music Museum sa Greenhills, …

Ashley Ortega PBB

Ashley nabiyayaan ng maraming project pagkalabas sa Bahay Ni Kuya

RATED Rni Rommel Gonzales NAGING housemate si Ashley Ortega sa loob ng tatlong linggo sa Bahay Ni …

Toni Co

Produ ng Ikalawang Ina nag-P.A. muna bago nag-artista

MATABILni John Fontanilla BAGO pinasok ang pag-arte, naging production assistant muna si Toni Co ng …

Pia Wurtzbach Jauncey Jeremy Jauncey

Pia ayaw nang gamitin ang apelyidong Wurtzbach

MATABILni John Fontanilla MARAMING netizens ang nagulat at nagtaka na ‘di na ginagamit ni 2015 Miss …