Wednesday , May 21 2025
Jabo allstar Boy Abunda Cayetano

Jabo Allstar, Viva artist na!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HINDI halos makapaniwala si Jabo Allstar na isa na siyang ganap na contract artist ng Viva.

Ayon sa aktor, “Mayroon pong nagdala sa akin sa Viva na manager, ipinakilala po ako kina boss Vincent del Rosario and Boss Veronique and ayun po, same day ay nag-sign po ako sa Viva.”

Sambit ni Jabo, “Hanggang ngayon ay hindi po ako makapaniwala na artista na ako, iba iyong feeling kapag artista ka na pala talaga.”

Matagal na rin daw siya sa mundo ng showbiz at madalas ay lumalabas siya bilang talent or extra sa iba’t ibang TV shows.

“Marami na pong beses akong nakalabas sa iba’t ibang shows, talent po ako sa halos lahat ng shows sa ABS CBN at GMA-7. Ang tawag nga po sa akin, Ang Pinakamagaling na Extra sa Buong Pilipinas,” nakangiting wika pa ni Jabo.

Sa Vivamax ba siya mapapanood at game ba siyang magpa-sexy? “Hindi po ako sa Vivamax mapapanood, pero game naman akong magpa-sexy. Iyon nga lang, baka masuya sila dahil chubby ako, e, hehehe.”

Ayon pa sa newbie actor, ang gusto niyang genre ay comedy. “Bale, comedy po ang forte ko, pero gusto ko rin ma-experience iyong rom-com, at drama-action.

“Game na game rin po ako sa kontrabida role, na dati ko pa namang ginagawa na.”

Ano’ng wish niyang mangyari sa kanyang showbiz career?

Tugon ni Jabo, “Siyempre po, wish kong maging isang napakalaking artista, isang big star! Kaya nga Jabo Allstar ang name ko e, hehehe.”

Si Jabo ay bahagi ng sitcom na Pepito Manaloto na pinagbibidahan nina Michael V. at Manilyn Reynes. Siya ay napapanood din sa Cayetano in Action with Boy Abunda.   

“Yes po, show namin sa GMA-7. Mariteam po ako roon, na laging sumasali sa mga chismis and issue. Napapanood po ito every Saturday sa GTV and sa GMA-7 po tuwing Sunday at 11:00 PM.

“Parang talk show po ito na public service rin,” pakli ni Jabo.

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Jane Oineza Si Sol at Si Luna

Zaijian ‘pinapak’ si Jane sa Si Sol at si Luna, mapapanood sa Puregold Channel sa YouTube

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio TIYAK na marami na ang nag-aabang sa first kissing scene …

Art Halili Jr.

Theater actor Art Halili Jr  naging inspirasyon si Ate Guy

MATABILni John Fontanilla MASUWERTE ang dating theater actor na si Art  Halili Jr. dahi minsan nitong nakatrabaho …

Arjo Atayde

Arjo ‘di napabagsak ng paninira, ‘wagi ulit sa district 1 ng QC

MATABILni John Fontanilla HINDI nagabi ng paninira at muling nagwagi bilang congressman ng District 1 …

Roselio Balbacal

 Actor/businessman Roselio Balbacal numero unong konsehal sa TUY, Batangas 

MATABILni John Fontanilla BAGITO man sa politika, hindi naging hadlang para sa part time actor …

Alynna Velasquez Im Feeling Sexy Tonight

Alynna nagpasalamat kina Rachel at Ali

HARD TALKni Pilar Mateo IT took a long while for singer Alynna (Velasquez) to make a comeback. …