Wednesday , June 24 2026
Ricky Davao Jackie Lou Blanco

Ricky aminadong may mga what if nang makipaghiwalay kay Jackie

MA at PA
ni Rommel Placente

AMINADO si Ricky Davao na may panghihinayang din on his part nang magdesisyon sila ng dating asawang si Jackie Lou Blanco na maghiwalay na.

Ayon sa veteran actor-director, wala naman talaga sa plano niya ang masira ang kanilang pagsasama ni Jackie Lou at lalong hindi niya ginusto ang magkaroon ng broken family.

Aniya, marami rin siyang regrets sa breakup nila noon at totoong may mga “what if” din siya kung hindi sila naghiwalay ng aktres hanggang sa dumating din ang araw na kailangan na rin niyang mag-move on.

Sabi ni Ricky sa interview sa kanya ng Marites University, “Ganoon naman talaga, eh. May pagkakamali, may hindi pagkakasunduan and noong nangyari ‘yun, of course, may epekto sa mga bata.

“Pero naka-move on na naman na kami, okay naman lahat.

“Hindi ko naman pinlano na magkaroon ng, ang tawag ba roon broken family o separated? Wala sa plano ‘yun eh.

“Wala sa idea ‘yun, pero nangyari. So you just have to work on it, live with it, move on,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …