Thursday , July 10 2025
Bugoy Carino Belle Mariano Huling Sayaw 2

Sobrang nanghihinayang, maraming projects ang nawala — Bugoy

MA at PA
ni Rommel Placente

SI Bugoy Carino ang pangunahing bida sa pelikulang Huling Sayaw mula sa Camerrol Entertainment Productions at sa panulat at direksiyon ni Errol Ropero. Kapareha niya rito si Belle Mariano

Gumaganap sa nasabing pelikula si Bugoy bilang si Danilo na nangangarap maging isang sikat na dancer pero hindi ‘yun nangyari. Instead, naging matagumpay siyang businessman.

Sina Bugoy at Belle ay unang nagkatrabaho sa Goin’ Bulilit noong sila ay mga child star pa lamang.

Dahil Huling Sayaw ang title ng pelikula ni Bugoy, tinanong namin siya na kung sakaling mamamaalam na siya sa mundo, sino ang gusto niyang huling maisayaw? 

Ang sagot niya, “Gusto ko, huling sayaw ko ‘yung anak (Scarlet) ko. Kasi, magiging memorable siya sa akin. Dadalhin ko siya hanggang mawala na ako sa mundo. At least nakasayaw ko sa huli ‘yung anak ko.”

Ang Huling Sayaw ay kinunan four years ago pa. That time ay wala pang anak si Bugoy, at si Belle ay hindi pa sikat, at hindi pa sila loveteam ni Donny Pangilinan. Natigil lang ang shooting ng pelikula dahil sa pandemic. Kamakailan lang ito natapos. 

Pero sa huling shooting day nito ay hindi na nakasama si Belle dahil sobrang busy na ito ngayon.

May communication pa ba sila ni Belle ngayong sikat na sikat na ito?

Ay wala na po kaming communication ngayon, eh,” malungkot na sabi ni Bugoy.

Anong feeling na ipalalabas na ang Huling Sayaw?

Ngayon po masasabi ko na sobrang saya ako, kasi after 4 years finally, ay maipalalabas na ito. And sabi nga ni Direk, ipinakita niya sa movie na patutunayan niya sa tao na si Bugoy nagbabalik na.

“Sabi naman ni Direk, ‘yung akting ko okey, na maganda ‘yung kinalabasan. So, sobrang exctied po ako na maipalabas na ‘yung movie,” sabi pa ni Bugoy.

Bukod kay Belle, kasabayan din ni Bugoy sa showbiz sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat.

Ang mga ito ay pawang mga walang asawa pa. Kaya aktibong-aktibo pa rin sa kani-kanilang careers. May panghihinayang ba sa kanya sa maaga niyang pagkakaroon ng asawa at anak?

At first, sobrang nanghihinayang po ako kasi honestly maraming nawalang projects sa akin at sponsors na natanggal ako.

“Pero ‘yung kina Xyriel sobrang saya ko para sa kanila kasi siguro kanya-kanya naman po kami talaga ng landas ng buhay. Siguro kung para sa kanila ‘yun, para talaga sa kanila ‘yun.

“Eto ‘yung ibinigay ng Diyos sa akin na buhay, para sa akin talaga ito.

“Pero ngayon po, etong point sa buhay ko na ito, parang nawala sa akin ‘yung panghihinayang lalo na noong lumabas ‘yung baby ko. Sabi ko, ‘yung panghihinayang parang napuno ng lahat ng saya mula noong lumabas ‘yung baby ko. 

“Eto ‘yung pinaka-blessing na ibinigay sa akin ni Lord, eto ‘yung kapalit. Sobrang saya ko ngayon sa buhay ko,” aniya pa.

Ang Huling Sayaw ay mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula sa September 13, 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anjo Yllana Sheryl Cruz

Sheryl na-ghosting ni Anjo, sinampal ng pagkalakas-lakas

MA at PAni Rommel Placente DAHIL naunahan ng takot sa tito ni Sheryl Cruz, ang namayapang …

Mark Herras Lolit Solis

Mark iginiit mataas respeto sa dating manager, wala ring sama ng loob 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “NEVER akong nagtanim ng sama ng loob.” Ito ang tinuran ni Mark Herras nang …

Alfred Vargas

Alfred Valedictorian ng UP DURP, inialay sa manager na si Manay Lolit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INIALAY ni Alfred Vargas sa kanyang manager na si Lolit Solis ang pagtatapos sa University …

Kathryn Bernardo ABS-CBN Ball 2025

Kathryn pahinga pa rin ang puso, ayaw munang mainlab

REALITY BITESni Dominic Rea ANO nga ba ang totoo? Mukhang tahimik na ang tsismis patungkol …

Alden Richards

Alden kailangan ng proyektong hihigit sa Hello, Love, Again

REALITY BITESni Dominic Rea NASAAN na raw si Alden Richards? Aba’y ito naman ang tanong ng …