Bugoy Cariño daughter Belle Mariano

Bugoy Cariño anak ang gustong huling sayaw

MATABIL
ni John Fontanilla

SA wakas, mapapanood na sa cinema ang four years in the making na pelikula na hatid ng Cameroll Entertainment Productions, ang Huling Sayaw na pinagbibidahan nina Bugoy Cariño at  Belle Mariano directed by Errol  Ropero.

Ito ang kauna-unahang pagbibida sa pelikula ni Bugoy bilang si Danilo, isang bata na ang  pangarap ay maging sikat na dancer sa Manila.

At kung magkakaroon ito ng kanyang huling sayaw, gusto nito na ang kanyang anak ang makasayaw.

Makakasama ni Bugoy sa Huling Sayaw sina Rob Sy (Pabling), Ramon Christopher (Pancho), Christian Vasquez, Emilio

 Garcia (Ramil), Jeffrey Santos, Jao Mapa (Coach Azkiel), Mark Herras, Zeus Collins, Mickey Ferriols, Brenn Garcia (Bailey), Andy Abellar (Stephanie), Miles Manzano  (Drake), Potchie Angeles (Patrick) atbp..

Mapanood sa mga sinehan ang Huling Sayaw sa. September 13.