Mavy Legaspi Kyline Alcantara Michael Sager

MavLine loveteam bubuwagin, Michael Sager ipapalit

I-FLEX
ni Jun Nardo

BALITANG paghihiwalayin na raw ang loveteam nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.

Huli nilang project ang Love At First Read. Hindi ito masyadong nagtagal sa ere.

Ibang aktor naman ang makakasama ni Kyline sa next project sa GMA na TV adaptation ng sikat na Korean series na ipinalabas na sa GMA.

Ang baguhang aktor na si Michael Sager daw ang makakapareha ni Kyline.

Wala pang kompirmasyon ang GMA kaugnay ng tambalang Kyline at Michael.