Sunshine Dizon Ramon Sabella Joel Cristobal

Ika- 35 anibersaryo ng Sabella gaganapin sa Club Filipino 

MATABIL
ni John Fontanilla

Gagawin ang engrandeng selebrasyon ng ika- 35 anibersaryo ng Sabella na pag-aari ni Mr Ramon Sabella, ang  CEO & President ng Sabella Fashion Group sa  Aug. 7, 7:00 p.m. sa makasaysayang Kalayaan Hall ng Club Filipino, Greenhills, San Juan Metro Manila.

Katuwang ni Mr Ramon sa pagpapaunlad ng Sabella Fashion Group sa loob ng 35 years si Mr Joel Cristobal.

Ang pagdiriwang ay dadaluhan ng ilan sa maniningning na personalidad sa larangan ng fashion, pelikula, telebisyon, at politika.

Ilan sa naging modelo ng Sabella Fashion Group ( Sabella at  Xquisite) sina Sunshine Dizon, Rhian Ramos, Camille Prats, at Hilda Koronel.