Arjo Atayde

Arjo dinepensahan ng Kongreso: gagastusin sa Switzerland, Italy, at Greece sariling pera

I-FLEX
ni Jun Nardo

DUMEPENSA kay Cong Arjo Atayde ang Kongreso ayon sa report kaugnay ng nabalitang pera ng gobyerno ang gagatusin sa byahe nila ng asawang si Maine Mendoza sa Switzerland, Italy, at Greece ayon sa report ng isang broadsheet.

Nakipagsagutan pa sa Twitter si Maine na sinabing fake ang news nila. Nandindigan naman ang dyaryo na mayroon silang dokumento at sources sa report nila.

Pumasok na sa eksena ang Kongreso. Sinabing mula sa bulsa  ni Kong. Atayde manggaling ang pera sa byahe nila sa Europe.

Sa tweet ni Maine, kasali sa Locarno Film Festival ang movie ni Arjo kaya sila lilipad patungo roon.

At least, Congress na ang nagsalita para kay Cong. Arjo, huh!