Thursday , June 4 2026
Lea Salonga

Lea Salonga may paninindigan

MA at PA
ni Rommel Placente

DEADMA lang si Lea Salonga kung mawalan man o mabawasan siya ng mga fan dahil sa kanyang paninindigan.

Nag-viral ang video ni Lea nang tumanggi siyang magpa-picture sa fans na sumugod sa dressing room niya matapos ang kanyang performance sa musicale na Here Lies Love na ginanap sa ibang bansa.

Dahil sa pangyayaring ito, may mga bumatikos sa OPM icon, at nagsabing masyado naman daw siyang feeling superstar sa inasta niya sa harap ng mga fan na gusto lang naman magpa-picture sa kanya.

Sana raw ay pinagbigyan na lang niya ang mga ito dahil minsan lang naman daw mangyari ang ganoong mga pagkakataon sa mga Pinoy fan na matagal nang naninirahan sa ibang bansa.

Pero nanindigan si Lea sa kanyang paniniwala na mali ang ginawa ng mga naturang fans at sa kabila raw ng pangnenega at pang-ookray sa kanya sa social media patuloy niyang poprotektahan ang sinasabi niyang boundaries.

Sa kanyang Twitter account, ito ang ipinagdiinan ng singer, “The money you pay for a theater/concert ticket does not mean all-access. You pay for that performer’s art, and that’s where it stops.”

O, ‘di ba? ‘Yan si Lea Salonga.

Pero para sa akin, tama lang naman ang ginawa ni Lea. Sinabi niya na for security reasons din, na hindi nga pwedeng basta magpapapasok sa kanyang dressing room.

At pinagbigyan naman niya ang mga fan na gustong magpa-picture sa kanya. Niyaya niya ang mga ito na sa labas na lang ng kanyang dressing room sila mag-picture-an.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …