Wednesday , July 17 2024
Quinn Carrillo Sean de Guzman
Quinn Carrillo Sean de Guzman

Quinn Carrillo at Sean de Guzman, wagi sa 38th PMPC Star Awards for Movies

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

WAGI sina Sean de Guzman at Quinn Carrillo sa katatapos na 38th Star Awards for Movies na ginanap sa Manila Hotel last Sunday.

Si Sean ay para sa pelikulang Anak ng Macho Dancer, si Quinn naman ay sa Silab. Ang dalawang pelikula ay kapwa pinamahalaan ng award-winning director na si Joel Lamangan.

Ang dalawa na nasa pangangalaga ng Viva at 3:16 Events and Talent Management, ay itinanghal bilang Best New Movie Actor of The Year at Best New Movie Actress of The Year, respectively. Nanalo rin sila kapwa bilang Female and Male Celebrity of The Night.

Ang bagong feat na ito nina Sean at Quinn ay nagbigay nang labis na kasiyahan kay Ms. Len Carrillo na tuwang-tuwa ng gabing iyon. Pati na rin ang top honcho ng Mentorque Productions na si John Bryan Diamante, na kahilera namin kapwa sa upuan that night with Sean and Quinn.

Si Sean ay kinilala na sa dalawang pagkakataon, at nanalo bilang Best Actor sa Chithiram International Film Festival sa India at sa Anatolian Film Awards sa Turkey. Para sa pelikulang Fall Guy ni Direk Joel.

Si Quinn naman bukod sa humahataw ang acting career, siya ay in demand din as a writer sa mga pelikula ng Viva at ng 3:16 Media Network. 

Ito ang post ni Sean sa FB bilang pasasalamat sa nakuhang parangal:

Thank you Lord for all the blessings you gave me. I am offering this to you.

I want to thank my second family 3:16 Media Network who first believed in my talent. Especially to our Mom Len Carrillo who does everything for all of us, and has a kind heart and never gave up on me/us. Thank you, Mom!

To my brothers at VMX-V and VMX Bellas thank you for all your support and for being a friend, a brother. I love you all.

He is my Father and the one who raised me in the acting field and I consider a director for his excellence in making masterpieces that mark us. Thank you, Direk Joel Lamangan. If it wasn’t for your trust in me, I might not be where I am now.

Many thanks also to the great Directors I worked with. I have learned a lot of lessons from you. Thanks also to the various crew that worked and everyone behind the camera of the ANMD film.

I would like to thank the Producer of “Son of Macho Dancer” Godfather Productions for trusting my ability to perform the project you gave me. Sir Joed Serrano thank you for the trust and to Mother Sucaldito Jobert.

Thank you Fam Viva Artists Agency I’m honored to be part of VAA family. Thank you also to Mentorque Production and to Sir John Bryan Diamante for trusting me. God bless po!

Thank you again PMPC Star Awards especially to uncle Fernan De Guzman, uncle Roldan Frias Castro, uncle Dominic Rea, Uncle Leo, Aunt Pilar Mateo, Nonie Nicasio, uncle Benny Andaya, aunt Maricris Valdez and our other friends from the press. Thank you po!

Thank you very much!

Sa aming panayam, nabanggit naman ni Quinn ang naramdaman nang nanalo siya, pati na kung gaano kaespesyal ang pelikulang Silab sa kanya.

Pahayag ni Quinn, “Nagulat po siyempre ako, kasi hindi naman po talaga ako nag-e-expect ng kung ano. Ang gagaling po ng mga kalaban ko e, so I was really not expecting.”

Sambit niya ukol sa pelikulang Silab, “It will always be special to me, kasi ‘yun po ‘yung unang masasabi ko na naging role ko talaga, tapos direk Joel pa (ang direktor namin). Doon ko talaga naramdaman ‘yung buhay- pelikula, na may award man or wala, special po sa akin iyon.”

Sina Sean at Quinn ay maraming projects na dapat abangan, kabilang rito ang Sa Kanto Ng Langit at Lupa at A Cup of Flavor. Sa huling nabanggit na pelikula, writer dito si Quinn.

Ang aabangan namang movie sa versatile na actress ay ang Litrato na pinagbibidahan nila ni Ai Ai delas Alas. Ito’y mula sa award-winning filmmaker na si Direk Louie Ignacio at sa panulat ni Direk Ralston Jover. Tampok din dito sina Ara Mina, Liza Lorena, Bodjie Pascua, Duane David, Weam Ahmed, at iba pa.

Ang Litrato ay kuwento ng isang lola na may Alzheimer’s disease na ginagampanan ng Comedy Queen na si Ai Ai. Gumaganap naman dito si Quinn sa papel na estriktang caregiver.

Mapapanood na ang Litrato sa July 26, 2023 in cinemas, nationwide.

 -30-

About Nonie Nicasio

Check Also

50th MMFF

Vic, Piolo, Vice movies pasok sa first batch ng 50th MMFF

MARICRIS VALDEZ INANUNSIYO na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Film Festival (MMFF) chairman na si Don …

Barbie imperial How to Slay a Nepo Baby

Barbie ibinahagi sikreto ng pagiging glow & blooming

KAPANSIN-PANSIN ang pagiging glowing, blooming ni Barbie Imperial nang dumalo ito sa media conference ng …

BI7IB Raymond RS Francisco Atty Aldwin Alegre Atty Honey Quiño

Bi7ib raratsada sa kantahan

REALITY BITESni Dominic Rea KAMAKAILAN  inilunsad ng grupong BI7IB ng AQ Prime Music sa kanilang comeback presscon ang bagong single …

Jed Madela Wish u the worst

Jed deadma sa mga isiniwalat ng dating manager

REALITY BITESni Dominic Rea GRABE ang pinakawalang usapin last week ng dating manager ni Jed Madela na …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris sa loveteam nila ni Anthony na MaTho n— Sana magbunga pa, grabe ang pangarap namin

PROUD na proud si Maris Racal sa karakter na ginampanan niya sa Can’t Buy Me Love. Si Irene …