Tuesday , May 20 2025
Chavit Singson BBQ Chicken

Sikat na BBQ Chicken sa Korea dinala ni Gov Chavit sa ‘Pinas

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

FEELING Koreana lang kami noong Linggo ng hapon at isa sa mga bida sa Goblin: The Lonely Great God, Crash Landing On You, The King: Eternal Monarch, at My Love From The Stars habang kumakain ng iba’t ibang flavor ng chicken at putahe sa BBQ Chicken na nagkaroon ng ribbon cutting na pinangunahan ng may-ari nitong si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singsong kasama ang anak na si Vanessa Singson, gayundin ang Quezon City Vice Mayor Gian Sotto, Cong. Richelle SingsonLCS Group Korea.

Kung napanood ninyo ang mga Korean series na aming nabanggit tiyak pamilyar at makare-relate kayo sa amin. Pero sa totoo lang masarap ang kanilang mga chicken, crunchy pa lalo na iyong parmesan cheese flavor at iyong Tteokbokki gayundin ang Yakult float nila na talagang hinintay pa namin dahil sa rami ng umorder.

Bukod kina VM Gian, dumalo rin sa opening ng BBQ Chicken ang kaibigan ni Gov Chavit na si Korina Sanchez, gayundin sina Rico Robles (na host ng event) at ang Viva Artists Agency talent na si Phoebe Walker.

Ang BBQ Chicken ay matatagpuan sa 3rd Level ng Robinsons Magnolia.

Nai-feature na nga itong restoran na ito sa mga hit Korean series kaya parang nag-travel na rin kayo sa South Korea sa pag-dine in ninyo dahil sa kanilang mga yummy Korean dishes.

Mayroon na palang mahigit sa 3,500 na branch sa 57 countries ang BBQ Chicken.

Ayon kay Singson, mas maraming branch pa ang bubuksan niya sa Pilipinas sa darating na buwan, na ang first branch nito ay sa Bonifacio High Street Central, Taguig City, na nagbukas last year.

Natanong namin si Gov Chavit kung mayroon na siyang napupusuang Korean superstar na  magiging endorser ng naturang food chain. Tiyak kasing papupuntahin niya rito sa Pilipinas ang magiging endoser ng Korean restaurant niya tulad ng pagpapapunta niya kay Lee Seung Gi kamakailan.

Pero sa ngayon wala pa raw.  Pero tiyak maghahanap din ang LCS Group of Companies ng local stars na puwede rin maging endorser, lalo na ‘yun K-drama at K-pop fanatic, para naman swak na swak sankanilang restoran.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Marc Kevin Labog

Mas pinasayang weekend trip at bagong ‘Primetime Primera’ hatid ng TV5

TODO ang sayang hatid ng TV5 sa mga bagong weekend and early primetime offerings na hitik sa …

Alfred Vargas PM Vargas

Alfred Vargas nagpasalamat sa double victory; Programang pang-edukasyon uunahin

DOBLE-DOBLENG pasasalamat ang ibinahagi ni Alfred Vargas sa mga taga-District 5 ng Quezon City na sa ikalawang …

Natasha Ledesma

Natasha Ledesma gradweyt na sa pagpapa-sexy  

MATABILni John Fontanilla INIWAN na ni Natasha Ledesma ang pagpapa-sexy mapa-pelikula man o telebisyon. “Nagpapasalamat ako sa …

Yen Santos

Yen Santos halos hindi na makilala ang sarili nang madagdagan ang timbang

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram page ay ibinahagi ni Yen Santos kung gaano siya naapektuhan sa …

Luis Manzano Vilma Santos

Luis balik-game show host

MA at PAni Rommel Placente PAGKATAPOS tumakbo bilang Vice Governor sa Batangas sa katatapos na …