Friday , May 23 2025
Franchesca Largo PSC Women Rapid Chess Tournament
IGINAWAD ang parangal nina (mula sa kaliwa) Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Olivia “Bong” Coo, Rizalyn Jasmine Tejada (2nd Place, Silver Medal), Franchesca Largo (Champion, Gold Medal), Bea Mendoza (3rd Place, Bronze Medal), NCFP CEO GM Jayson Gonzales sa tinampukang Philippine Sports Commission (PSC) Women Rapid Chess Tournament noong Linggo, 16 Hulyo sa Athlete’s Dining Hall ng PhilSports Complex sa Pasig City.

Franchesca Largo nanguna sa PSC Women Rapid Chess Tournament

MAYNILA — Nanguna si Franchesca Largo ang Philippine Sports Commission (PSC) Women Rapid Chess Tournament na ginanap noong Linggo, 16 Hulyo sa Athlete’s Dining Hall ng PhilSports Complex sa Pasig City.

Nakakolekta si Largo ng kabuuang 4.5 puntos sa limang outings para makuha ang titulo.

Pareho rin ang score ni Rizalyn Jasmine Tejada ngunit kinailangan niyang lumagay sa ikalawang puwesto dahil si Largo ang may superior tie-break score.

Umiskor si Largo ng mga panalo laban kina Beatriz Anne Barbosa (Round 1), Keira Alexandria Aviso (Round 2), Arleah Cassandra Sapuan (Round 3) at Kate Nicole Ordizo (Round 5).

Naka-draw siya kay Bea Mendoza sa Round 4.

May tig-4 na puntos, nagtabla sa ikatlo hanggang walong puwesto sina Mendoza, Ayana Nicole Usman, Me Ann Joy Baclayon, Ordizo, Divine Grace Luna, at Kaye Lalaine Regidor.

Tumabla sa ika-9hanggang ika-12 puwesto, may tig-3.5 puntos, sina Samantha Babol Umayan, Anabelle Gonzales, Alleana Beatrice Gonzales, at Elle Castronuevo.

Ang 10-anyos na si Nika Juris Nicolas, ang pinakabatang National Master ng bansa ay nanalo ng pinakamahusay na performer sa kategoryang Under 12.

Sina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann, Commissioner Olivia “Bong” Coo, Long Jump Queen of the Philippines Elma Muros-Posadas, NCFP CEO GM Jayson Gonzales, NCFP Legal Counsel Atty. Sina Nikki de Vega at WGM Janella Mae Frayna ang nagpasinaya sa nasabing chessfest. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Pacquiao vs Barrios

Pacquiao magbabalik sa ibabaw ng ring

ni Marlon Bernardino MULING sasabak sa ibabaw ng ring si Manny Pacquiao matapos ang apat …

World Slasher Cup 2025

World Slasher Cup-2 first day elims, sasyapol na

SASAGUPA ngayong araw ang mga bigating sabungero mula sa iba’t ibang panig ng mundo para …

Rizal Memorial Football Field, opisyal nang FIFA Quality Pro

Rizal Memorial Football Field, opisyal nang FIFA Quality Pro

ANG FOOTBALL field ng Rizal Memorial Sports Complex ay opisyal nang kinilalang FIFA Quality Pro …

Kaogma Collision 2

Kaogma Collision 2 sisiklab

MULING magpapasiklab ang Universal Reality Combat Championship (URCC) mixed martial arts sa Kabikulan ngayong katapusan …

Richard Bachmann PSC Batang Pinoy 2025

GenSan host ng Batang Pinoy 2025

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Sports Commission (PSC) na gaganapin ang Batang Pinoy 2025 sa …