Friday , July 26 2024
TVJ Dabarkads

TVJ at Dabarkads sapat na para mas panoorin sila; mga advertisers inisa-isa

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MAS emosyonal ang pagbabalik ng E. A.T. ng TVJ sa TV5 kompara sa highly electrifying and world-class production numbers ng It’s Showtime sa GTV ng GMA 7.

Dinala nga ng Kapamilya artists ang genius nila pagdating sa mga hindi matatawarang sayawan at kantahan sa compound at tahanan ng GMA7, at wala nga kaming masabi sa chopper entrance ni meme Vice Ganda.

It was indeed one of the grandest openings sa TV na napanood natin dahil nag-combine-forces nga ang dalawang higante sa mundo ng TV.

On the other hand, mukhang puso naman ang apela at atake ng TVJ at Dabarkads dahil bukod sa history na bitbit ng show nila, tunay namang tumama sa puso ang kahit hindi nagsasalitang mga footage nila habang pumapasok sa bago nilang tahanan na TV5.

At mukhang itinodo na nila ang pagpapakita ng lakas ng show dahil ipinakita nila ang suporta ng mga kapamilya nila, mga audience mula sa kalsada hanggang sa studio, ang mga politiko at negosyante, hanggang sa mga advertiser nilang nagpakita ng loyalty. Nakakaloka ‘yung pag-roll call ng mga sponsor ng show na para bang sinasabi pa nilang hindi nga sila iniwan ng mga ito.

And take note, hindi man sila nagkaroon ng mga named artists gaya ng It’s Showtime, sapat na ang Dabarkads para panoorin sila.

Very evident din ito sa naging views ng both shows sa socmed world dahil halos doble ang number ng viewers ng TVJ kompara sa It’s Showtime.

Simula pa lamang ito ng araw-araw nating pag-aabang sa dalawang shows na nabanggit habang ang ikatlong show mula sa TAPE Inc ay mukhang napag-iwanan nga sa maraming aspeto.

About Ambet Nabus

Check Also

Kumu

SM Agency president ipinagmalaki ang Kumu: This is Filipino apps and we are definitely Filipino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WE’RE still here. We’re celebrating our 6th anniversary and we’re …

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Dustin Yu

Dustin Yu speechless itinanghal na New Male Movie Actor

MATABILni John Fontanilla HINDI maipaliwanag ng Sparkle artist na si Dustin Yu ang sayang naramdaman sa pagkapanalo sa 40th PMPC …

Aiko Melendez 40th PMPC Star Awards for Movies

Aiko wagi ng 2 special awards sa 40th Star Awards for Movies

MATABILni John Fontanilla MISTULANG big winner na rin sa gabi ng 40th PMPC Star Awards for …