Garrett Bolden

Garret Bolden napiling The Beast sa Beauty and The Beast

I-FLEX
ni Jun Nardo

PANIBAGONG international singing break sa stage ang dumating sa The Clash alumnus na si Garrett Bolden.

Aba, Pinoy pride si Garrett ngayon dahil siya ang nakuhang lumabas bilang The Beast sa Disney’s Beauty and the Beast Musical 2023.

Lumabas din sa Miss Saigon si Garrett.

Malaking hamon para kay Garrett ang pagkakapili sa kanya sa Beauty and The Beast.