Wednesday , July 17 2024
TVJ Tito Vic Joey

TVJ at Legit Dabarkads emosyonal sa pagtanggap ng TV5 

ni Allan Sancon

NALUHA sina Vic Sotto at Joey de Leon gayundin ang Legit Dabarkads sa mainit na pagtanggap ng TV5 sa kanila sa sa bago nilang tahanan. 

“Katulad ng nabanggit ni MVP (Manny V. Pangilinan) na feeling namin ay para kaming si St. Joseph at si Mama Mary na naghahanap ng bahay. Hindi ko naman sinasabing itong TV5 ay sabsaban noh, napakagandang sabsaban naman nito. Ang TV5 ang nagbigay sa amin ng bagong tahanan. Thank you MVP, Salamachi!” ‘yan ang madamdaming pahayag ni Joey habang patuloy na tumutulo ang luha ni Vic na hindi na nakapagsalita dahil pagiging  emosyonal nito.

More than thank you MVP dahil sa pagtulong mo, at gusto n’yong tulungan ‘yung iconic program na ang layunin lang naman ay magpasaya ng mga manonood. Napakalaking bagay sa amin nito at sa ating mga kababayan,”dagdag ni Tito Sotto.

“Maybe the best analogy I can give you ay ‘yung na-involve kami sa basketball team ng Gilas Pilipinas. Sabi sa akin ng mga collegue ko, ang laki ng gastos n’yo sa pagsuporta sa Gilas and yet alam n’yo namang maliit ang Pinoy, hindi tayo mananalo riyan. 

“Sabi ko sa kanila, mahal ng Filipino ang basketball, pwede ba naming talikuran ‘yung minamahal ng Pinoy? Ganoon din sa ‘Eat Bulaga’ na alam naming mahal ng sambayanang Filipino ang ‘Eat Bulaga’ kaya binigyan namin sila ng  bagong tahanan dito sa TV5,” pahayag ni Mr Manny V Pangilinan na nagpapalakpak sa mga media at iba pang tao sa media conference.

Hindi man nagbigay ng magiging bagong pangalan ng kanilang bagong noontime show ang TVJ at Legit Dabarkads, tiyak na marami silang pasabog na aabangan sa launching sa July 1, 2023.

About hataw tabloid

Check Also

Titus Low

Videos ni Titus Low pinagkakaguluhan ng mga beki

HATAWANni Ed de Leon NAGMUKHANG laos ang mga bagong BL films at BL internet series …

Barbie Forteza

Barbie dapat mabigyan ng magandang project

HATAWANni Ed de Leon NAGPUNTA kami sa isang malaking mall noong isang araw dahil may …

Priscilla tinapos relasyon kay John

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG tinuldukan na nga ng modelo at international beauty queen na …

Vilma Santos

Nominasyon ni Vilma bilang National Artist haharangin daw

HATAWANni Ed de Leon MAY isa kaming kaibigan na nagsabing ano raw kaya ang magiging …

50th MMFF

Vic, Piolo, Vice movies pasok sa first batch ng 50th MMFF

MARICRIS VALDEZ INANUNSIYO na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Film Festival (MMFF) chairman na si Don …