Tuesday , July 16 2024
Piolo Pascual Mallari Derick Cabrido John Bryan Diamante

Piolo pinangarap maging pari/pastor

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TIYAK na puno lagi ang simbahan kapag si Piolo Pascual ang nagmimisa o nangangaral. Minsan pala kasing pinangarap ng aktor na magpari o maging pastor.

Sa media conference ng horror movie na pagbibidahan niya, ang Mallari handog ng Mentorque Productions, naibahagi nitong 18 years old pa lang siya ay gusto na niyang maging seminarista.

I wanted to be a priest, I was I think, 18, I attended the seminar,” anito.

I remember, I had a conversation with a priest and I told him, ‘gusto ko sanang magpari na lang para mas madali ang buhay.’ And then he said, ‘you have to be a college graduate first.”

At noong maging Christian naman siya ay nais naman niyang maging pastor.

I told my Pastor the same thing, ‘Pwede bang magpastor na lang ako para mas madali rin ang buhay.’ Sabi niya, ‘no, we need people like you in the business,’”

Na-feel na  lang ng aktor na hindi para sa kanya ang priesthood kaya ipinagpatuloy na lang niya ang pag-aartista at ngayon ay nagpo-produce na rin.

Sa Mallari, kakaibang challenge ang haharapin ni Piolo na gaganap bilang si Fr. Severino Mallari, ang paring naging serial killer noong 1840 at pumatay ng 57 katao sa Pampanga.

Tatlong karakter ang gagampanan niya sa pelikula kaya triple rin ang gagawing pagpapahirap sa kanya.

Pamamahalaan ang Mallari ni direk Derick Cabrido at plano itong isali ng Mentorque Productions sa Metro Manila Film Festival 2023.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Billy Crawford

Hindi ako adik — Billy Crawford

MA at PAni Rommel Placente PAYAT ngayon si Billy Crawford. Sinasabi tuloy ng iba na gumagamit …

Pulang Araw 2

Official primer ng bagong show ng GMA nakakikilabot

RATED Rni Rommel Gonzales VIRAL na sa social media ang official primer ng most important …

Michelle Gumabao

Michelle gustong tutukan akting, hosting 

I-FLEXni Jun Nardo IPAGPAPATULOY ng volleyball player na si Michelle Gumabao ang naudlot niyang showbiz career nang …

Blind Gay Couple

Opisyal na babaero sinubasob si male starlet

ni Ed de Leon SINO nga ba iyang opisyal na malaki ang katawan at bilog ang tiyan, …

Pulang Araw

Bagong serye ng GMA ginamitan ng CGI

HATAWANni Ed de Leon MATAGAL na kaming hindi nanonood ng mga serye sa telebisyon. Nakakasawa …