Thursday , June 4 2026
Iñigo Pascual Piolo Pascual Mallari Derick Cabrido John Bryan Diamante

Inigo may pa-kwintas kay Piolo noong Father’s Day

ni Allan Sancon

IPINAGMAMALAKI ni Piolo Pascual sa media conference ng Mallari ang kwintas na iniregalo sa kanya ng anak na si Iñigo Pascual bilang father’s gift sa kanya ng anak.

Nanood si Iñigo ng musical stage play niyang Ibarra at magkasama silang nag-celebrate ng Father’s Day noong Linggo.

Very proud si Piolo sa narating ng kanyang anak at succes sa showbiz at  gumagawa na ito ng sariling pangalan hindi lang dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa.

I’m so proud of him, that he’s doing well in his career not just here but abroad. Sabi ko nga sa kanya ako na ang mag-produce ng kanyang album dahil ang gaganda ng mga na-compose niyang kanta,” pagbabahagi ni Piolo.

May nakaplano ring project para sa kanilang dalawa.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay gagawa ng isang intense horror film si Piolo at gagampanan niya ang role ng 1st Filipino serial killer priest na si Fr. Severino Mallari. Tinanggap ni Piolo ang role na ito dahil nagustuhan niya ang script ng pelikula at very challenging ang kanyang magiging role. 

Ikinuwento ng presidente at producer ng Mentorque Productions na si John Bryan Diamante na minsang tinanggihan ni Piolo ang proyektong Mallari dahil sa busy schedule nito pero dahil naniniwala siya na para talaga sa aktor ang project kaya hinintay nila ito para tanggapin ang project. 

Balak ipasok ni Bryan ang pelikulang ito sa Metro Manila Film Festival at iba pang International filmfest.

Tiyak aabangan ang pelikulang Mallari sa mga sinehan dahil marami ang curious kung ano ba talaga ang tunay na istorya kung bakit pumapatay ang isang pari. This is directed by the award winning diretor Derick Cabrido.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …