Wednesday , July 24 2024
Nika Juris Nicolas Chess 2
CONFERMENT ng National Master kay Nika Juris Nicolas. Ang kauna-unahan sa kasaysayan ng Philippine Chess --- ang 10-anyos batang babae bilang awardee. (L-R) GM Jayson Gonzales, Wunderkind Nika Juris, NCFP’s Legal Counsel Atty. Nikki De Vega (mother), at Atty. Krisanto Karlo Nicolas (father).

Sa kanyang edad na 10-anyos  
NIKA JURIS NICOLAS MAY PROJECTION SA PH CHESS

SI NIKA ang pinakamaliwanag na kinabukasan ng Philippine chess.

Ang katotohanang ipinakita niya ang kanyang talento sa mga kamangha-manghang pagtatanghal sa ilang mga tagumpay, ang bansa ay maaaring umasa para sa isang world class na atleta at posibleng makilala at maging kamangha-manghang Chess Grandmaster.

Napatunayang hindi rin mapigilan si Nika Juris sa pangunguna niya sa VCIS – Homeschool Global Chess Team sa 1st Professional Chess Association of the Philippines National Inter School Championship na gaganapin sa mga petsang 8, 9, 15 at 16 ng Hulyo.

Bukod kay Nika Juris, ang koponan ay binubuo nina Woman National Master Antonella Berthe Racasa, Gabriel Ryan Paradero, Andrew at Aron Toledo. Ang coach ng koponan ay si Robert Racasa.

Ipinagmamalaki nina Atty. Nikki De Vega at Atty. Krisanto Karlo Nicolas ang mga pinakabagong tagumpay na ito ng kanilang anak.

“Thank you to our growing village of supporters and prayer warriors, Nika’s coaches Lourecel Ecot, Raul Damuy, MJ Ladrona, Philippine Academy for Chess Excellence led by GM Jayson Gonzales and WGM Janelle Frayna, Pasig City Government, NCFP and the chess parents,” anang proud mother na si Atty. Nikki De Vega, NCFP legal counsel. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Jean Richeane Dela Cruz Rhiana Kaydee Nialla

Dela Cruz, Nialla ratsada sa Speedo Novice and Sprint tourney

NASUNGKIT ng baguhang manlalangoy na sina Jean Richeane Dela Cruz at Rhiana Kaydee Nialla ang …

2024 V-League Collegiate Challenge

Elite collegiate team sa V-League Collegiate Challenge magsasagupaan

AAKITIN ng 2024 V-League Collegiate Challenge ang mahihilig sa volleyball sa isang linggong pagpapakita ng …

Daniel Maravilla Quizon PCAP Chess

Quizon naghari sa PCAP chess tournament

PINATIBAY ni Grandmaster elect at International Master Daniel Maravilla Quizon ang kanyang posisyon bilang isa …

Eric Buhain Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

INIHAYAG ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pakikipagtulungan ng Speedo Philippines ang pagdaraos ng 2024 …

National University NU Lady Bulldogs SSL National Invitationals

NU Kampeon sa SSL National Invitationals

IGINAWAD nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at Vicente Gregorio President/CEO ng Shakey’s …