Wednesday , June 24 2026
Arah Alonzo

Arah Alonzo, gaganap na stripper sa club sa Star Dancer ng Vivamax

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AFTER makilala sa mga project na Ssshhh ni Direk Roman Perez Jr. at Sex Games directed by Mac Alejandre, tuloy-tuloy na ang newbie sexy actress na si Arah Alonzo sa pagsasabog ng kanyang alindog sa Vivamax.

Susunod siyang mapapanood sa Star Dancer ni Direk Pam Miras. Tampok dito sina Denise Esteban, Rose Van Ginkel, Arron Villaflor, Karl Aquino, Geleen Eugenio, Erika Balagtas, PJ Rosario, Billy Villeta, Nino Mendoza, Sahil Khan, Jelai Ahamil, Nikki Millares, at Eunice Andrea

Ang world premiere ng Star Dancer ay sa June 2 sa Vivamax.

Paano siya nag-start o nakapasok sa showbiz?

Wika ni Arah, “Nakapasok po ako sa showbiz… bale nag-start po ako sa Showtime Sexy Babe, naging weekly finalist po ako and doon po nag- start yung mga opportunity sa akin hanggang sa na-discover ako ni Momi Jojo (Veloso).”

Nabanggit pa ng dalaga ang ilang impormasyon hinggil sa kanya.

Aniya, “I’m 21 years old po at nag-aaral po ako, isang Tourism student. Ang vital statistics ko ay 34, 24, 35

“Sa mga nagawa ko pong movie or projects, itong Sex Games ang medyo daring talaga siya, dahil kailangan kong gampanan yung pagiging rape victim po.”

Ano ang role niya sa Star Dancer?

Esplika ni Arah, “Ang role ko po sa Star Dancer, isa akong stripper sa club na best friend ng main lead.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Isha Ponti

Paglulunsad ng album ni Isha Ponti sinuportahan ni Kevin Miranda

MATAGUMPAY ang album launch ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti, ang Likas noong June …

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …