The Write One gma Finale

 The Write One finale kaabang-abang

RATED R
ni Rommel Gonzales

SI Joyce nga kaya ang ‘the right one’ para kay Liam? O may plot-twist pang magaganap sa mga karakter nina Bianca Umali at Ruru Madrid? Ano kaya ang mangyayari kay Via (Mikee Quintos) at kay Hans (Paul Salas)?

Napaka-exciting ng mga mangyayari sa finale ng mala-roller coaster ride seryeng The Write One, isang romance fantasy drama  dahil sa halo-halong emosyon na naman ang mararamdaman ng viewers habang pinanonood ito. Sa ilalalim ng GMA Public Affairs, ang The Write One  ang kauna-unahang collaboration ng GMA Network at Viu.

Abangan ang pagtatapos nito sa Huwebes (May 25), 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.