Monday , October 2 2023
Rayver Cruz  Julie Anne San Jose mothers day

Rayver dinalaw ang puntod ng ina, Julie Anne nakibati ng Mother’s Day

RATED R
ni Rommel Gonzales

BINISITA ng Kapuso actor-host na si Rayver Cruz ang puntod ng kanyang namayapang ina na si Elizabeth Velez Cruz bilang pag-alala sa selebrasyon ng Mother’s Day.

Sa Instagram, ibinahagi ni Rayver ang larawan ng kanyang naging pagdalaw sa ina. 

Makikita rin sa nasabing post ang video ng kanyang paglalagay ng bulaklak sa puntod ng ina.

Happy Mother’s Day mama. I miss you so much I love you!” sulat ni Rayver sa caption ng kanyang post.

Nag-iwan din ng pagbati sa naturang post ang kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz, at ang kanyang girlfriend at Kapuso actress-singer na si Julie Anne San Jose.

“Happy Mother’s Day tita Beth,” ani Julie.

February 2, 2019 nang pumanaw ang ina nina Rayver at Rodjun, isang buwan matapos itong ma-diagnose ng stage 4 pancreatic cancer.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joey de Leon

E.A.T, Joey mabilis na humingi ng paumanhin; Showtime deadma

HATAWANni Ed de Leon MATAPOS punahin ng mga tao ang isang joke ni Joey de Leon at …

Kids Toy Kingdom show

Kathryn, Bitoy, at Barbie, wish maging guest sa Kids Toy Kingdom Show ng mga host nito 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AARANGKADA na ngayong Sabado (Sept. 30) ang Kids Toy Kingdom Show (Season 2) at ipinahayag ng …

Angelika Santiago

Angelika Santiago, waging Young CEO of The Year at Female Best Dressed sa 3rd Diamond Excellence Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SOBRA ang kagalakan ng Kapuso actress na si Angelika Santiago …

Gabby Concepcion David Licauco

Gabby at David bibida sa isang charity show

MATABILni John Fontanilla ISANG napakalaking show ang magaganap sa kaarawan ng kaibigang Genesis Gallios sa Newport Performing …

Nadine Lustre

Nadine trending ang pagtu-two piece sa IG

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media si Nadine Lustre nang mag-post ito sa kanyang Instagram, @nadine ng mga …