Maja iniwan ang EB para sa 2 bagong show
COOL JOE!
ni Joe Barrameda
NAKAAALIW si Maja Salvador habang pinanonood namin siya bilang host ng bagong game show sa TV5 na Emojination na nagsimula na kahapon, May 14, 5:00 p.m..
Ang dali niyang nahasa sa pagho-host sa Eat Bulaga at gamay na gamay ang hosting.
Akala ko kaya siya nagpaalam sa Eat Bulaga ay magiging abala sa nalalapit niyang kasal. Pero heto, abalang-abala rin sa mga bagong shows na Open 24/7 at Emojination. Bukod diyan willing si Maja bumalik sa Eat Bulaga after her wedding.
Nakaaaliw naman ang Emojination at makare-relate ang mga Pinoy.
Kaya tututukan namin ito.
