Wednesday , May 29 2024
Kira Balinger LA Santos Snooky Serna

Maple Leaf Dreams cast ipinakilala na; Snooky ipapasa ang korona kay Kira

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SUPER excited si Snooky Serna na makatrabaho sina Kira Balinger at LA Santos sa pelikulang Maple Leaf Dreams ng Lonewolf Films Inc. at JRB Creative Production na pamamahalaan ni Direk Benedict Migue.

Sa cast reveal at story conference ng Maple Leaf Dreams na isinagawa sa Mesa Restaurant sa Tomas Morato, QC, hindi itinago ng magaling na aktres na si Snooky ang excitement sa pagkakasama sa pelikula.

Ani Snooky, masaya siya na maging parte ng Maple Leaf Dreams at plattered siya na gaganap siyang mommy ni Kira.

Ang ganda-gandang bata nitong si Kira. I hope you don’t mind, she remind me of Sachi and Sam (2 anak ni Snooky), at excited akong makatrabaho ka at maging mom mo rito sa movie,” ani Snooky.

Masayang-masaya rin kapwa sina LA at Kira sa mga makakasama nila.

Sobrang happy, sobrang kabado and at the same time unang-unang, first lead ko po ito at grabe po ang mga artistang makakasama namin. Something very special po talaga at saka itong movie na ito hindi lang para magso-showcase sa amin ni Kira kundi magrere-present ng buong Filipino na nagsasakripisyo, mga Filipino na ginagawa ang lahat para sa kanilang pamilya,” ani LA sa pag-welcome sa kanilang mga makakasama sa pelikula.

Sobrang grateful po ako na ma-meet ang ating buong cast,” panimula ni Kira. “Noong unang presscon po natin kasi hindi ko pa ma-visualize pero ngayon nakita ko na lahat ng mga makakasama namin nagkaroon na ng kulay, nai-imagine ko na sobra akong nae-excite at kinikilig lalo na with Ms Snooky na magiging mommy ko at kay Tatay Joey na magiging daddy ko pero sana ang movie na ito’y maging inspirasyon para sa mga OFWs natin, sa mga Filipino natin na hindi sila nag-iisa,” sabi naman ni Kira na kitang-kita ang kagalakan ng hapong iyon.

Bukod kina LA, Kira, at Snooky, kasama rin sa Maple Leaf Dreams sina Joey Marquez, Tirso Cruz III, Jong Cuenco, Malou Crisologo, Jef Gaitan, Kanisha Santos, Hannah Vito, at Luke Alford at ididirehe ni Benedict Mique.

Samantala, tama ang obserbasyon ng marami na nasa mediacon na magkamukha sina Kira at Snooky na gaganap na mag-ina sa pelikula. Kaya naman natanong si Snooky kung ano ang pakiramdam na magkamukha sila ng dalaga. 

Actually pwede rin daw ipasa ni Snooky ang Blusang Itim, moviena ginawa at pinagbidahan niyakay Kira kaya may request ang veteran actress sa mga naging producer niyang sina Mother Lily Monteverde at Robbie Tan ng Regal at Seiko Films.

Parang gusto kong i-request na i-produce nina Mother Lily at Boss Robbie ang Blusang Itim,” nangingiting turan ni Snooky.

Sa kabilang banda na-touch naman si Snooky nang sabihin ni Joey na dream come true na makatrabaho siya nito.

Thankful ako kapag nakakarinig ako ng mga ganoon from my co-workers, colleague, friends like si Kuya Joey and ako rin naman dream ko rin na makasama siya sa pelikula. At ito pa, finally after how many years, nakasama ko rin si Joey Marquez.

“And I’m so excited talaga to work with him and with everybody, kina LA, Kira,” ani Snooky.

At dahil isang Snooky na magaling umarte ang makakasama sa pelikula, tiyak na mape-pressured ang mga kasama niya rito. 

Hindi nila alam na pressured din ako. Pero kung sila ang nape-pressured hindi ko alam kung paano ako magre-react. Kaya kapag ganoon na narinig ko ngang nagsabi sina Kira at Kuya Joey, I want to be Ms Congeniality. Gusto kong ipa-feel sa mga katrabaho ko na ako’y nagkakamali rin, hindi ako perfect na artista. 

“So, gusto ko naman maging kampante ang mga katrabaho ko and at the same time I’m thankful na somehow may narating na rin ako sa pagiging artista not as a star but as an actress and I’m credible na rin as an artist,” paliwanag ni Snooky,

And malaki ang pasasalamat ko sa Diyos na ganoon kalaki ang pagtingin ng mga kasamahan ko sa industriya sa akin. Nakaka-humble,” sabi pa ng aktres.

Sinabi rin ni Snooky na pressured din siya sa pelikula dahil, “‘yun na nga hindi naman ako…ang taas ng expectations and ‘yung pressured ko tuloy double at triple pa. Ang anxiety level ko napakataas kapag ganoon. Parang dahil sa taas ng expectations I have to prove to the director, to everybody na hindi ako magkakamali.

“Pero just anybody else nagkakamali rin ako, like anybody else na artista na nagkakamali rin. Pero ang importante lang kapag hindi ako sure sa role, hindi ako sure sa eksena, I’m having a bad day, although mali iyon I shouldn’t bring it to the set pero minsan hindi mo maiwasan eh. 

Pero I humble myself, I talked to the director. And in short hindi ako I know it all. Ang kapal naman ng mukha ko. There is always a better one and a better one and there are a lot na magaling na aktor,” paliwanag pa ni Snooky.

Sa huli muling iginiit ni Snooky na kung may magre-remake ng Blusang Itim gusto niyang i-push si Kira dahil aniya, “tinititigan ko si Lira at wala akong ibang maisip kung hindi siya lang talaga ang bagay na bagay. 

At kung ipapasa ko ang korona ng Blusing Itim kay Kira ko iyon ibibigay,” giit pa ni Snooky.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angel Guardian Running Man PH

Angel ‘di na habol manalo, mas gustong mag-enjoy bilang runner

RATED Rni Rommel Gonzales ULTIMATE Runner sa Season 1 ng Running Man Philippines si Angel Guardian kaya natanong ito …

Aica Veloso Kulong

Aica nais kumawala karanasan sa isang kapitbahay

RATED Rni Rommel Gonzales NAGBAHAGI ng kanyang mapait na karanasan ang Vivamax female star na si Aica Veloso nang …

Paolo Ballesteros Kira

Paolo hinangaan pag-e-escort sa prom ng anak

MATABILni John Fontanilla SINALUDUHAN at pinuri ng netizens ang Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros nang mag-escort ito …

Kathryn Bernardo FAMAS

Kathryn nasungkit 1st FAMAS Best Actress award

MA at PAni Rommel Placente SI Kathryn Bernardo naman ang wagi bilang Best Actress para sa mahusay …

LA Santos FAMAS

LA Santos Best Supporting Actor ng 72nd FAMAS award

MA at PAni Rommel Placente SI LA Santos ang is tinanghal na Best Supporting Actor sa katatapos …