Thursday , June 4 2026
Arra San Agustin, tampok Reyna ng Santacruzan Binangonan

Arra San Agustin, tampok sa Reyna ng Santacruzan sa Binangonan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PANGUNGUNAHAN ng magandang Kapuso aktres na si Arra San Agustin bilang Reyna Elena ang Santacruzan sa Binangonan, Rizal.

Ang bayan ng Binangonan ay isa sa itinuturing na mayaman sa kultura at tradisyon. Isang kaugaliang kinalimutan ng mga taga-Binangonan ang paggunita at pagkakatagpo sa Mahal na Krus sa Brgy. Libid, na kung saan matatagpuan ang kalbaryo na lalong pinaayos at pinaganda.

Ito ay nagsisilbing pasyalan, mga local at dayuhang turista ang nagsasadya rito para sa siyam na araw ng panalangin (lutrina) bilang parangal sa krus. Ang nasabing okasyon ay alay sa Pista ng Krus.

Ang pagdiriwang na ito ay inumpisahan ng mga Kastila sa bansa at dahil naging bahagi ng tradisyong Pinoy, ito ay may temang “Kabataan, Pag-ibig at Pasasalamat.”

Sa gaganaping pagdiriwang sa Mayo 7, 2023 sa ganap ng 7:00 ng gabi, kapapalooban din ang nasabing okasyon ng Grand Santacruzan. Tampok dito si Arra na lumalabas sa Urduja at Happy Together ng GMA-7 katambal ni John Lloyd Cruz.

Sina Raphael Landicho na gumaganap sa Voltes V bilang Haring Konstantino at Randel Amos Ynares, miyembro ng Binangonan Lakehounds Basketball Team, ang mga konsorte ni Arra.

Ayon sa Event Consultant na si Gomer Celestial, gagamitin ni Arra ang gown na likha ni Eboy Visande at Michael Ponce para kay Raphael.

Panata ang turing sa Santacruzan ayon kina Brgy. Chairman Gil “Aga” Anore at Kagawad Jennelyn Villegas, chairman on Education, Culture and Tourism.

Magbibigay kulay din sa pagdiriwang sina Jamie Margaret M. Lagarejos bilang Reyna Elena I at Catherine Ojeda, Reyna Emperatriz. Sa gabi ng pagdiriwang ay pipili rin ng magiging Reyna ng Santacruzan 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …