Thursday , June 4 2026
Reader’s Digest ABS-CBN

ABS-CBN kabilang sa mga pinagkakatiwalaan ng mga Pinoy ayon sa Reader’s Digest Trusted Brands Awards 2023

PATULOY na pinagkakatiwalaan ng mga Filipino ang ABS-CBN, ang nangungunang content company sa bansa at si Vice Ganda, matapos makatanggap ng Gold Award at Most Trusted Entertainment and Variety Presenter Award mula sa Reader’s Digest Trusted Brands Awards 2023.

Ayon sa ika-25 Reader’s Digest survey, ang mga brand na nakasungkit ng Gold Award ay nakatanggap ng ‘outstanding results’ base sa pananaw ng mga consumer sa mga tuntunin ng pakikinig sa kanilang mga hinaing, pakikiramay sa kanilang sitwasyon, at pagbibigay ng suporta at alalay.

Kinilala naman ang It’s Showtime host bilang isa sa mga pinaka-pinagkakatiwalaang personalidad sa bansa. Siya rin ang tampok ngayon sa cover ng Reader’s Digest April 2023 – Trusted Brands issue. Ito ang pangalawang beses na naging cover si Vice ng magazine mula noong 2010.

Inilarawan ng Reader’s Digest si Vice na nanalong Most Trusted Entertainment and Variety Presenter sa ikalimang taon bilang ‘national treasure’ na may malakas na impluwensiya, kaya naman isa siya sa mga matagumpay na artista sa Pilipinas.

Isinagawa ng nangungunang research company na Catalyst ang Trusted Brands survey ng Reader’s Digest. Sinuri nito ang 8,000 mga consumer sa iba’t ibang market kabilang ang Pilipinas, Singapore, Malaysia, Hong Kong, at Taiwan. Tinanong ng Catalyst ang bawat taong na-survey na kilalanin ang mga brand ng mga produkto at serbisyo na kanilang pinagkakatiwalaan. Tampok sa April 2023 isyu ng Philippines Reader’s Digest magazine ang buong resulta.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …