Fans ni Kyle Echarri emosyonal nang makita ang litrato sa bundok
MATABIL
ni John Fontanilla
EMOSYONAL ang mga supporter ng guwapong Kapamilya actor na si Kyle Echarri nang makita ang mga larawan nito na mag-isa na kuha sa pag-akyat niya sa Mount Batonglusong sa Taytay, Rizal kamakailan.
Kamakailan ay pumanaw ang kanyang mahal na mahal na nakababatang kapatid na babae, si Bella dahil sa brain tumor.
At nang i-post ni Kyle ang nasabing mga larawan sa kanyang Instagram @kyleecharri ay super emote ang kanyang supporters at muling nakiramay sa aktor at ilan sa mensaheng natanggap nito ay ang mga sumusunod:
“Hang in there.”
” We Love You! “
” Bella Loves you so much! “
“Mahigpit na yakap Kyle.”
” Take care always “
“Stay strong Kylito. Keep going.”
