Saturday , July 27 2024
Beauty Gonzales

Beauty Gonzales ratsada ang trabaho

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAIBALITA natin kamakailan ang paggawa ni Sen Bong Revilla ng remake ng dati nilang pelikula ng asawang si Congw Lani Mercado noon, ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Nasabi nitong si Beauty Gonzales ang napupusuan niyang gumanap sa karakter noon ni Lani.

Noong Biyernes, kinompirma ni Beauty na may pag-uusap na ang GMA management at ang Aguila Entertainment, may hawak ng kanyang career, para sa TV series nila ni Sen. Bong.  

It’s in the talks, I hope. I’m very excited. Sana, we’ll see,” pagbabalita ni Beauty nang makapanayam ito pagkatapos ng paglulunsad sa kanya bilang kauna-unahang endorser ng Hey Pretty Skin na pag-aari ni Ms Anne Barretto at ni Red Era, CEO ng Rising Era Dynasty.

Hindi maitago ni Beauty ang excitement sa nalalapit na pakikipagtrabaho kay Sen Bong kaya nga inamin nitong nag-aaral ulit siya ng salitang Bisaya para paghandaan ang karakter niya bukod pa sa panay ang work-out niya dahil kailangang sexy siya sa series.

Hindi tayo magpapatalo. Kailangan, slim din tayo at palaban,” anito.

Inamin din ni Beauty na pressured siya sa karakter na gagampanan dahil si Lani ang gumanap noong una. 

Kahit magkaiba, I’m quite pressured, also, kasi sobrang patok ‘yung movie nila, not only part 1, nagka-part 2 pa ‘yun.

“But, of course, I’m very happy and thankful with the cast, kasi if puwede ko na i-announce ‘yung iba kong mga kasama, iba rin ‘yung flavor ngayon. Kung puwede ko lang isigaw. Feeling ko, it will be a hit show kasi we need something to laugh, we need something to be happy, we need something na makare-relate ‘yung mga Bisaya, also. And, for Sen. Bong to open this door for me, sa mga Bisaya, I’m very proud of it.”

Bukod sa project with Sen Bong, gagawin din niya ang Stolen Life with Carla Abellana at Gabby Concepcion.

Dagdag pa rito ang bagong endorsement, ang Hey Pretty Skin kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ni Beauty. 

Suwerte ko nga kasi bukod sa Hey Pretty Skin may iba pa na hindi pa puwedeng sabihin.

“I am so thankful with Tita Becky (her manager) kasi so many things have happened. Wala pang isang taon (na nasa pangangalaga nito).”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

SM Prime 2

SM Prime at 30: A legacy of innovation and shared prosperity

Celebrating 30 Years of Transformative Growth: SM Prime Holdings Chairman Mr. Henry T. Sy, Jr. …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …