Friday , May 17 2024
Anthony Rosaldo

Anthony nabawasan ng 3 kls sa araw-araw na pagsasanay ng play

SA pinakaunang musical stageplay ni Anthony Rosaldo na Ang Huling El Bimbo ay may mga dance sequence siya bukod sa pagkanta.

Challenge ba sa kanya na sumayaw habang kumakanta?

“Challenge rin po kasi within the musical po kasi maraming scene po tapos bilang ako po si Hector Samala, isa po ako sa lead so, kaunti lang po ‘yung time ko to breathe.

“Talagang dire-diretso po ‘yung scenes ko, magkakatuhog po.

“So ‘yung sayaw po talagang nakaka-challenge po, hingal na hingal po talaga ako kasi dire-diretso po siya. After kong sumayaw kaunting scene tapos sasayaw na naman so parang talagang ‘yung stamina ko kailangan ko pong palakasin.

“And also I have to be physically fit always, kasi mahirap nga po  talaga.

“It’s a challenge to dance, and sing and act at the same time.”

At dahil nga physically fit si Anthony, biniro namin siya na mas lalong darami ang post niya ng shirtless na mga litrato sa kanyang Instagram account.

“Tama,” at tumawa si Anthony, “nag-start na nga kasi ano eh, alam niyo I lost weight, like parang three kilos po ‘yung nabawas sa akin dahil kaka-rehearse lang po.

“And good thing naman gusto ko naman po ‘yung pumayat ng kaunti so, maganda rin po na naging araw-araw ‘yung rehearsal kasi na-praktis po ako at the same time po nakuha ko po ‘yung physical aesthetic na gusto ko.”

Mapapanood ang Ang Huling El Bimbo musical play simula sa April 21.

Mapapanood ito tuwing Biyernes at Sabado, 8:00 p.m. at may matinee performances naman tuwing Sabado at Linggo, 3:00 p.m..

Si Dexter Santos ang direktor ng Ang Huling El Bimbo musical play na gaganap si Anthony bilang Hector Samala at mapapanood sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts. (Rommel Gonzales)

About Rommel Gonzales

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Inday Fatima Ana Ramsey Queenay

Inday Fatima, Ana Ramsey, Queenay mga bagong host ni Willie sa TV5

I-FLEXni Jun Nardo IPINAKILALA na ang tatlong female co-hosts ni Willie Revillame sa bago niyang game show …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …